MAY sapat na suplay ng bakuna ang Pilipinas para sa inaasahang pagsisimula na ng pagbabakuna sa mga menor de edad laban sa COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa Oktubre 15.
Ito ang tiniyak kahapon ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, na siya ring chairperson ng National Vaccine Center.
Ayon kay Cabotaje, sa ngayon ay isinasapinal na nila ang guidelines hinggil sa gagawing pagbabakuna sa mga bata, ngunit sisimulan nila ito sa mga kabataang mayroong comorbidities o yaong may mga karamdaman.
“Gagawin natin sa a few pilot hospitals dito sa NCR and then depende after one week, evaluation, tingnan natin kung ano pa kailangan natin i-refine sa ating mga procedures and then we go NCR-wide before we go nationwide,” dagdag pa ni Cabotaje, sa panayam sa teleradyo.
Muli rin namang sinabi ni Cabotaje na tanging Pfizer at Moderna vaccines lamang ang ituturok sa mga kabataan dahil ang mga naturang bakuna pa lamang ang mayroong emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration para sa mga menor de edad.
“We have enough Pfizer and Moderna. Since ang target natin sa umpisa ay children with comorbidities, we are looking at about 1 or 2 million muna, and in NCR a few hundred thousands, makakasapat naman,” aniya pa.
Ani Cabotaje, umaasa rin siyang mas marami pang bakuna ang darating sa bansa sa huling bahagi ng taon, kabilang na aniya rito ang Pfizer vaccines na mula sa COVAX facility, gayundin ang mga bakunang binili nila.
“We are expecting more Pfizer both from COVAX facility and from pino-procure natin in the last quarter—October to November—and about 8 million doses of Moderna. We are expecting about 32 million doses of Moderna for the last quarter, sasapat,” pagtiyak pa ni Cabotaje. Ana Rosario Hernandez
331324 939555Hiya! awesome blog! I happen to be a daily visitor to your web site (somewhat much more like addict ) of this website. Just wanted to say I appreciate your blogs and am looking forward for much more to come! 808303