HINILING ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda na gawing patas ang pagtatalaga ng mga bakuna laban sa Covid-19 ngayong marami na nito ang dumarating sa bansa. Hindi umano gaanong patas ang pamamahagi nito sa mga rehiyon gaya ng Bikol at Bangsamoro sa Mindanao kaya “lubhang napag-iwanan na” sila.
Ipinaliwanag ni Salceda na chairman ng ‘House Ways and Means Committee’ at co-chairman ng ‘Defeat Covid 19 Ad Hoc panel’ na kaiba sa Ka-Maynilaan, masyadong magkakalayo ang mga pangkalusugang pasilidad sa mga rehiyon.
“Lubhang kailangan ang pagbabakuna sa mga probinsiya gaya sa Bikol. Madali sa taga-Kalookan ang pumunta sa Muntinlupa upang magpaospital ngunit halos imposible ito sa taga-Catanduanes o Masbate na pumunta sa Camarines Norte para sa ganong layunin,” dagdag niya.
Batay sa mga datus, pinuna ni Salceda na pinakamataas ang Metro Manila sa bilang ng mga nabakunahan na 26.5% na ng mga mamamayan nito noong ika-4 ng Hulyo, habang kulelat ang Bikol na may 2.73% lamang, at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na 1.52% ng mga mamamayan nito ang nabakunahan.
“Isa sa mga layunin ng pagbabakuna ang maiwasan ang pagpapa-ospital, kaya dapat maisagawa ito sa mga lugar na napakahirap ang pagpapa-ospital,” madiin niyang dagdag.
“Nauunawaan ko na sadyang kailangan ang mga bakuna sa sentro ng mga negosyo gaya ng NCR, ngunit sobra namang hindi patas ang nagaganap. Noong Martes, nagtala tayo na pinakamalaking nabakunahan sa isang araw na umabot sa 375,059. Kailangang 750,000 ang mabakunahan sa isang araw para matamo natin ang ‘herd immunity’ sa katapusan ng taon,” sabi niya.
Pinansin din ng mambabatas ang sigasig ng ‘National Task Force (NTF) Against Covid-19’ sa ilalim ni Secretary Carlito Galvez upang matulungan ang mga rehiyon, at inaasahan niyang maitatalaga sa kanila agad ang kailangan nilang mga bakuna.
“Pag-asang manatiling buhay ang isyu ng bakuna, lalo na sa mga lalawigan na kulang sa mga pangkalusugang pasilidad. Kung mananatiling nakasentro lamang ito sa ilang piling lugar, manatiling isyu ang Covid-19 sa bansa,” paliwanag ni Salceda.
Samantala, nangako naman ang NTF na pabibilisin nito ang pagtatalaga ng mga bakuna sa mga lalawigan sa buong bansa dahil maraming bakuna ang inaasahang darating sa bansa sa susunod na mga buwan.
ReplyForward |
754215 350214Hey, are you having issues with your hosting? I necessary to refresh the page about million times to get the page to load. Just saying 524432