MAKARAAN ang pansamantalang pagpapatigil sa baksinasyon ng mga sanggol dahil sa implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila bunsod sa biglaang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease o COVID-19 ay inihayag ng lokal na pamahalaan ng Makati ang muling pagsasagawa nito.
Base sa Facebook page post ng lokal na pamahalaan, ang mga magulang na nais iparehistro ang kanilang mga anak na sanggol na mabigyan ng bakuna laban sa mga sakit tulad ng Polio, Tuberculosis, Hepatitis B, Pneumonia, at Measles ay pinayuhan na manatili na lamang sa kanilang mga bahay at hintayin ang tawag ng health center para sa appointment sa pagsasagawa ng bakuna.
Ang mga unang beses pa lamang magpapabakuna ay maaaring magtungo sa health center para naman sa pag-iskedyul ng kanilang baksinasyon.
Dagdag pa ng lokal na pamahalaan, bukod sa pakikipaglaban sa COVID-19 at nang mas madaling makahawa na Delta variant ay isinusulong din ng lungsod ang baksinasyon ng mga sanggol laban sa iba’t-ibang uri ng sakit.
Para sa mga iba pang katanungan tungkol sa baksinasyon ay maaaring tumawag sa numerong (02) 8870-1619 o dili kaya ay magtungo sa pinakamalapit na health center sa kanilang lugar. MARIVIC
FERNANDEZ
Comments are closed.