BAKUNA SA MINOR DEPENDENTS NG PNP ARANGKADA NA

INIHAYAG ni Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Joselito Vera Cruz na nagsimula na ang pagbabakuna sa kanilang mga minor dependent.

Ayon sa commander ng Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force, kanila naman hinarap ang pagbabakuna sa mga dependent ng kanilang tauhan na mga menor na nasa edad 12 hanggang 17.

Ginawa ito dahil sa ngayong halos 100% na sa PNP ang vaccinated.

Sinabi ni Vera Cruz, base ito sa itinakda nilang self imposed deadline para tapusin o i-wrap-up ang kanilang vaccination program nitong Oktubre 31.

Ang PNP dependent vaccination ay sinimulan nitong Lunes, Nobyembre 1.

” Actually sa 2,884 na unvaccinated 859 sa kanila ay may valid reasons kung bakit ayaw pa nila magpa bakuna. Majority naman dun sa 2,025 na unvaccinated ay nag execute ng waiver na ayaw nila talaga magpa bakuna though mayroon din sa kanila ang naghihintay pa ng availability of vaccines in their respective localities,” ayon sa heneral.

Sa ngayon ay tinatapos na lamang ng PNP ang pagbabakuna sa mga naghihintay ng kanilang second dose. EUNICE CELARIO