KINUMPIRMA ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mayroon nang suplay ng bakuna ang lahat ng lugar sa bansa na pagdarausan ng National Vaccination Day.
Ayon kay DOLE Regional Operations Labor Standards and Special Concerns Cluster Assistant Secretary Maria Teresita Cucueco, na bahagi ito ng preparasyon ng pamahalaan para sa malawakang bakunahan na nakatakda nang isagawa simula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.
Pahayag ni Cucueco, na base Sa impormasyon mula sa National Task Force Against COVID-19 at National Vaccination Operations Center (NVOC), naikalat na ang milyon-milyong vaccine sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Sa ngayon inaayos na ang listahan ng lahat ng lugar na puwedeng puntahan para sa pagbabakuna.
Sinabi ni Cucueco na maaring tanungin ng publiko ang kani-kanilang lokal na pamahalaan kung saang vaccination sites sila dapat magtungo.