NAGHAHANDA na ngayon ang mga hog raiser sa Batangas para sa government-controlled inoculation na isang hakbang sa pagsugpo sa resurgence ng African swine fever (ASF).
Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng Bureau of Plant Industry (BPI), ang mga paunang proseso sa paghahanda para sa pagbabakuna.
Ang mga baboy ay igugrupo ng 50 para masiguro ang efficiency.
“Kailangan namin na i-grupo sila ng 50 para pag binakunahan walang masayang. Pero bago namin bakunahan, titignan namin muna virus o wala,” wika ni DA Asec. Dante Palabrica.
“I-cluster namin tapos ayusin namin ang mga schedule. Ibig sabihin kung pwede ba ba’t iyan sa clustering na gagawin, nasisimulan namin sa Lobo. Tapos yan pag maayos, i-replicate namin sa mga bayan na ito ay monitored relief,” dagdag pa ni Palabrica.
Ayon sa DA, tanging ang mga grower pig, o yaong mga nasa pagitan ng 4 at 12 weeks, ang eligible para sa pagbabakuna. Ang mga baboy ay dapat ding hindi infected ng ASF kapag binakunahan.
Sinabi ng BAI na hindi rin ito sigurado kung mapagbibigyan nila ang panawagan ng mga hog raiser para sa subsidiya, dahil namamahalan sila sa P400 per dose.
“It depends sa availability ng funds ng FDA. Kasi marami tayong pinagkakagastusan, lalo na ‘yung repopulation,” ani Palabrica.
Ang bayad-pinsala para sa mga apektadong hog raiser ay itinaas mula P5000 sa P8000 per head, at P12,000 kung ito ay babae na may kakayahang manganak.