BAKUNADO O HINDI, PUWEDENG BUMOTO

KARAPATANG  bumoto ng isang indibidwal bakunado man o hindi.

Ito ang sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon matapos niyang hikayatin ang mga hindi pa nagpapabakunang botante na gamitin ang kanilang karapatan sa darating na nasyonal at lokal na halalan sa May 9, 2022.

Aniya, ayon sa batas, lahat ng Pilipino ay mayroong karapatang bumoto bakunado man o ‘di bakunado.

Matatandaang inanunsiyo ng Comelec na ang mga botanteng magpapakita ng mga sintomas ng COVID-19 sa araw ng eleksiyon ay ihihiwalay sa mga walang sintomas o sakit. DWIZ882