BAKUNAHAN, PROTEKTAHAN ANG MGA BATA LABAN SA DELTA VARIANT

SA gitna ng mabilis na pagkalat sa bansa ng mas delikadong Delta variant ng COVID-19, iginiit ni Senador Win Gatchalian na dapat mabakunahan ang mga bata sa lalong madaling panahon upang hindi sila maging “variant factories.”

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mas nakakahawang Delta variant na unang natuklasan sa India ay ang pinakamabilis kumalat na variant ng coronavirus disease alinsunod sa ulat nitong Hulyo 29, umabot na sa 216 ang bilang ng kaso ng Delta variant dito kung saan walo na ang naitalang namatay.

“Kapag meron na tayong sapat na suplay ng bakuna ay maaari na nating bakunahan ang mga menor de edad. Ito ay mahalagang paghahanda sa ating pagbabalik sa face-to-face classes,” pahayag ni Gatchalian na Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

At dahil ang mga paaralan ay napapalibutan ng mga economic activity tulad ng paggamit ng transportasyon at pagpapatakbo ng mga negosyo, ang pagpapabakuna ng mga mag-aaral ay magbibigay ng karagdagang proteksiyon.

“Maaaring hindi nga mahawahan agad ang mga kabataan tulad ng unang mga nakita sa pag-aaral, ngunit ang kanilang mga magulang, ang mga may-ari ng tindahan at iba pang mga maliliit na negosyo na malapit sa mga eskwelahan ay maaaring mas nanganganib sa pagkalat ng virus. Kaya dapat tayong maging maingat sa usapin ng pagbubukas ng mga paaralan at ang unang hakbang ay ang paglulunsad ng mga pilot schools sa mga lugar na walang kaso ng COVID-19,” ani Gatchalian.

Ang Department of Education (DepEd) at ang Department of Health (DOH) ay kasalukuyang bumubuo ng mga pamantayan sa unti-unting pagbabalik sa face-to-face classes na ayon sa DepEd, hindi bababa sa 100 mga paaralan ang nakatakdang makilahok sa pilot study ng limited face-to-face classes sakaling aprubahan na ito ng Pangulo.

Sa kasalukuyan, ang Pfizer-BioNTech vaccine ang pinahihintulutan pa lang ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) para sa mga menor de edad na may edad 12 hanggang 15.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. noong nakaraang Hunyo, balak ng pamahalaan na gumamit ng 20 milyong doses ng Pfizer vaccine para sa mga menor de edad at humingi na rin ng pahintulot sa FDA ang drug maker na Sinovac upang magamit ang kanilang bakunang CoronaVac para sa mga may edad na 3 hanggang 17. VICKY CERVALES

51 thoughts on “BAKUNAHAN, PROTEKTAHAN ANG MGA BATA LABAN SA DELTA VARIANT”

  1. 291101 342725Howdy! I just wish to give a huge thumbs up for the wonderful info you may have here on this post. I will probably be coming back to your weblog for much more soon. 823507

Comments are closed.