Home-grown Filipino shoe brand ang Triloueva ngunit trendy ito at kumportableng isoot sa paa.
Mula ito sa mga materyales tulad ng vegan leather, telang gawa sa Pilipinas, at napakagandang takong na kahoy — maihahalintulad sa modernong bakyang ginamit ng kadalagahan noong unang panahon.
Galing ang pangalang Triloueva sa pinagsamang mga pangalan ng founder nito na si TRIna LOUisse EVAngelista.
Ngayong 2014 pa lamang nagsisimula ang Triloueva, ngunit kakaiba na ito sa lahat ng uri ng sapin sa paa. Si Trina ang kumakatawan sa customer mindset.
“I personally test each and every product to make sure I am satisfied enough for them to go into mass production,” pagmamalaki ni Trina. “My regular clients are a crucial part of my brand. I am always all ears for any input they have on my products. I even adapt some of their names for various shoe styles. By doing this, I want them to feel that they are a significant part of the brand, which then leads to their continuous support for Triloueva.”
Umaabot ng tatlo hanggang limang taon ang itinatagal ng Triloueva shoes, patunay na bukod sa maganda ay matibay din ito.
Naging popular ang nasabing footwear dahil sa kanyang top-notch quality at mga makabagong disenyo. Nang tumama ang pandemya sa bansa, mas lalo pa itong naging kilala dahil tinangkilik ito ng mga Filipino celebrities at ipinangalandakan din ng mga influencers. Kasi naman, local label ang Triloueva ngunit kayang makipagsabayan sa mga imported — at minsan nga, higit pa. Sa ngayon, hindi na lamang online ibinibenta ang Triloueva products. Available na rin ito sa mga major shopping malls sa Maynila at Alabang. Sa pagragasa ng popularidad ng Triloueva, nagsimula na rin ang mga order sa abroad.
Para sa mga aspiring entrepreneurs, ang payo ni Trina: Do not force yourself to keep up with trends.”
Sa gitna ng mahigpit na kumpetisyon, dapat umanong isaalang-alang ang kalidad ng produkto kesa malaki at mabilisang kita.
RLVN