BALA PARA KAY KUYA SINALO NI BUNSO

baril at bala

SOUTH COTABATO-Dead on the spot ang isang lalaki matapos gawing panangga ang katawan  nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang  nakatatanda nitong kapatid sa Lake Sebu ng lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Jun Cabrito, nasa legal na edad at residente ng Barangay Ned ng natu­rang bayan.

Lumabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, habang pauwi ang magkapatid galing sa maisan ay biglang sumulpot ang gunman at pinaputukan ang dalawa.

Subalit, ang target umano ng pamamaril ang kuya na si Antonio Cabrito pero hinarang ito ng biktima na siyang sumalo ng walong tama ng bala ng baril sa katawan na siyang agad na ikinasawi nito.

Nabatid na dahil sa umano’y hindi pagpapahiram ng kabayo  ng kuya ng biktima ang naging motibo pamamaril mg suspek.

Patuloy ang isinasagawang manhunt operation laban sa nasabing salarin. VERLIN RUIZ

Comments are closed.