SANTIAGO CITY – UMARANGKADA na ang Balamban Festival 2019 noong Miyerkoles o unang araw ng Mayo na magtatapos sa Mayo 5.
Tampok sa nasabing aktibidad ang iba’t ibang mga panoorin na karamihan sa mga ito ay gaganapin sa Integrated Transport Terminal (ITC) sa four lines sa Malvar, Santiago City, kung saan matatagpuan ang banchetto at baratilyo na dinarayo ng karamihan ng mga tao na nagnanais makabili ng magaganda at mura.
Nagsimula noong Mayo 1, 2019 ang drum and lyre competition, kasunod ang Information Competition at grand Santacruzan sa City Proper at Battle of Bands sa lugar pa rin ng Intergrated Transport Terminal (ITC) grounds.
Mayo 2, ay gaganapin ang Fun Bike, Beki volleyball exhibition at basketball exhibition sa Bulwagan ng mga Mamamayan at ang Barangay Night tampok ang mga aktres na sina Katrina Halili at Andrea Torres.
Sa May 3, ay ang Balamban Job Fair sa isang kilalang malls sa lungsod ng Santiago, ang Balamban Kite Fest at Laro ng Lahi sa ITC grounds at ang coronation night ng Mutya ng Santiago sa ITC grounds.
Sa May 3-4, ay gaganapin ang Dart Tournament at ang Santiago de Carig Cultural Show, Dog Fashion Show and Exotic Ani-mal Expo, Most Disciplined Triycle sa Bulwagan ng mga Mamamayan at ang Araw ng mga Magsasaka sa ITC grounds.
Sa huling araw ng Balamban Festival sa May 5, 2019 ay gaganapin ang pinakahinihintay ng mga manonood ang Silver Balam-ban Float parade competition sa City proper, LTBQ pride parade, ang street dance showdown competition at grand concert and fireworks display sa ITC grounds.
Samantala, abala na ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa paghahanda sa paglahok nila sa street dance and showdown competition maging ang mga pribadong kompanya na lalahok sa float parade. IRENE GONZALES
Comments are closed.