(Balang araw papasok din ang Pinas sa listahan:) FASTEST GROWING COMPANIES SA ASIA-PACIFIC REGION

KAMAKAILAN, naglabas ang Financial Times, gayundin ang Nikkei Asia at ang Statista ng kanilang ranking ng High-Growth Companies sa Asia Pacific Region.

Sa talaan po nilang ‘yan, para mapasama ang isang kompanya, dapat ay pasok ito sa kanilang criteria. Ano-ano bang criteria ito? Una, dapat, kumita kompanya mo ng at least $1M noong 2019; pangalawa, dapat, independent companya ka. Ano ba ang independent company? Dapat wala kang koneksiyon sa anumang tanggapan o anumang tulad niyan; pangatlo, dapat may punung-tanggapan ka sa alinmang 11 teritoryo sa Asia Pacific region; pang-apat, dapat, ang revenue growth ng iyong kompanya mula 2016 hanggang 2019 ay makatotohanan o kaya’y internally generated.

Ang tanong, ilang kompanya ba ang pasok sa listahan? Umaabot sa 500 companies ang nasa talaan. At ang pag-grado sa kanila ay base sa kanilang compound annual growth rate o CAGR mula 2016 hanggang 2019.

Sa 500 companies na iyan, ang top 20 ay nasa linyahan ng teknolohiya, enerhiya, serbisyong pinansiyal at transportasyon. At dahil may 116 companies ang Japan, nanguna ito sa mga kompanyang may pinakamaraming entry. Na-take over nila ang India na dating nangunguna sa kanilang 95 companies.

Kung titingnan natin ang top 10 companies, talaga namang lutang na lutang sa kanilang galing sa paggamit ng teknolohiya ang mga ito, partikular sa kanilang paggamit ng AI o artificial intelligence sa kani-kanilang operasyon.

Isa sa mga kompanyang ‘yan ang Carro na nakabase sa Singapore. Sa top 10, ang Carro ang nangunguna sa listahan. Ito ay isang online marketplace para sa mga used o segunda manong mga sasakyan. Nagsimula ang kanilang operasyon noong 2015 at nakapagtala na ng 422.4% CAGR.

Bukod sa iba’t ibang serbisyo na ino-offer nila online tulad ng in-house financing, insurance at after-sales product, nariyan din ang kanilang AI na mag-i-scan sa mga sasakyang gustong bilhin ng mga parokyano. Sa pamamagitan ng AI, matutunton ang mga posibleng problema ng bibilhing sasakyan. At sabi ng kompanya, dahil sa kanilang AI, napabibilis ang mga transaksiyon ng 20% at 80% less human error.

Samantala, ang The MathCompany naman ng India, na ika-anim sa listahan, ay isang modern, hybrid consulting firm na gumagawa ng Custom AI Applications para sa Fortune 500 at mga katulad nito. Sa pamamagitan ng kanilang AI master engine na tinatawag na Co.dx., pinapayagan ng The MathCompany ang kanilang mga kliyente na mag-streamline ng kanilang operasyon sa  pamamagitan ng data extraction, feature engineering, algorithm development, performance monitoring, atbp.

Dito naman sa atin sa Pinas, mayroon tayong 20 kompanya na nakapasok sa listahan na kinabibilangan ng mga kilalang-kilalang na natin. At tulad nga ng mga nangungunang kompanya sa listahan, ang Philippine companies na nakapasok sa talaan ay pawang nasa ICT. At dahil sa galing, maaaring manguna pa ang mga ito sa talaan ng mga katulad na kompanya sa buong globa.

Nariyan, halimbawa, ang Converge ICT, na kahit baguhan, kitang-kita ang mabilis na paglawak nito. Inilunsad nito ang kauna-unahang Data Cable Service Interface Specification protocol technology at ipinakilala rin sa larangan ang kauna-unahang Fiber to the Building technology sa kinabibilangan nitong industriya.

Nasa ika-39 na puwesto naman sa World Architecture 100’s annual survey sa pinakamalalaking architecture practices ang Aidea, isang global integrated design and technology firm.

Buong mundo, kinikilala ang Aidea bilang nangunguna at eksperto sa virtual design and construction, ang kauna-unang Asian practice na nagpokus sa leading-edge technology noong 2005.

At bukod sa paggamit ng state-of-the-art technology upang matukoy ang mga lugar kung saan maramiing mahuhuling naglalakihang isda, kilala rin ang Mega Fishing Corporation sa paggamit ng Fish Pump, isang imbensyon ng naturang kompanya upang mailipat ang mga huli nitong isda mula carrier boat sa loob lamang ng dalawa o tatlong minute kumpara sa dating isang oras na paglilipat nang manu-mano.

Noong Mayo 2020, isinulong po natin sa Senado ang Senate Bill 1470 o ang National Digital Transformation Act, na bahagi ng ating Tatak Pinoy initiative. Layunin po natin dito na matulungan ang iba’t ibang industriyang Filipino, at ang ating professionals na maging globally competitive.

Kung ang Filipinas ay digitally competitive, maaari  nating mapalakas ang kaalaman o talento ng mga Filipino sa mundong digital. Sa pamamgitan ng ating panukala, lahat ng Filipino ay magkakaroon ng malawak ng kaalaman sa information and communictions technology at ma-develop ang mga kinakailangang talento o skill at abilidad para mai-apply nila ang mga kaalaman sa ICT sa mga pang-araw-araw nilang aktibidad.

Sana nga, isang araw, magisnan na lang natin ang pagdami ng ating mga lokal na kompanya na pumasok na sa 500 rankings at maipakita sa buong mundo ang talino at galing ng mga Filipino.

117 thoughts on “(Balang araw papasok din ang Pinas sa listahan:) FASTEST GROWING COMPANIES SA ASIA-PACIFIC REGION”

  1. Comprehensive side effect and adverse reaction information. Everything information about medication.
    https://stromectolst.com/# stromectol order online
    Definitive journal of drugs and therapeutics. Everything what you want to know about pills.

  2. Some are medicines that help people when doctors prescribe. safe and effective drugs are available.
    https://mobic.store/# can i purchase cheap mobic tablets
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. Top 100 Searched Drugs.

  3. drug information and news for professionals and consumers. safe and effective drugs are available.
    https://mobic.store/# how to buy generic mobic price
    Medscape Drugs & Diseases. Get information now.

  4. Get information now. Definitive journal of drugs and therapeutics.
    impotence pills
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. Some are medicines that help people when doctors prescribe.

  5. Definitive journal of drugs and therapeutics. drug information and news for professionals and consumers.
    otc ed pills
    Learn about the side effects, dosages, and interactions. Get warning information here.

Comments are closed.