BALANGIGA BELLS BALIK-BANSA MAKARAAN ANG 117 TAON

BALANGIGA BELLS

PASAY CITY – NAGWAKAS NA ang mahabang biyahe at mahigit isang siglong paghihintay ng mga Filipino sa tatlong kampana ng Ba­langiga  sa Samar pabalik sa tahanan nito.

Ganito inilarawan ni U.S. Ambassador to the Philippines Sung Kim ang naging proseso bago tuluyang maibalik sa Filipinas ang Balangiga Bells.

Nilinaw naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi pre-requisite ang pagsasauli ng United States sa tatlong batingaw para bumisita si pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Amerika.

Ayon kay Kim matapos ang sinagawang handover ceremony para sa 3 Balangiga Bells  kahapon sa Villamor Air Base, Philippine Air Force Headquarters ang pagbabalik ng mga kampana, ipinapaalala na maraming Filipino at Amerikano ang lumaban noon para sa kalayaan.

“After one hundred seventeen years, the bells of Balanggiga are coming home and will once again  takes its place in the Balangiga Church,” ayon kay Sec. Lorenzana.

Masayang inihayag ni Kim na isang mala­king karangalan para sa kaniya na masaksihan ang seremonya na magsasara sa mapait na bahagi ng kasaysayan ng Amerika at Filipinas.

Ngayong nasa bansa na ang mga kampana, hi­niling ni Kim kay Defense Sec. Delfin Lorenzana na isauli na mga ito sa mga residente ng bayan ng Ba­langiga sa Eastern Samar.

“The bells of Balangiga are now home in the Philippines where they belong. Please take them to people of Balangiga and to the church of San Lorenzo. May they ring in peace and bear testament to the ties and values which bind our 2 great nations for generations to come,” ayon kay Kim.

Bago mag alas-11 ng umaga kahapon nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang C-130 cargo plane ng Amerika mula sa Oki­nawa, Japan dala ang tatlong makasaysayang kampana.

Nabataid na mananatili muna pansamantala ang mga Balangiga bells sa PAF Museum para sa tatlong araw na public viewing bago ito ihatid sa darating  Biyernes patu­ngong Tacloban City batay sa inisyal na iskedyul.

Sa Sabado naman ay ihahatid na ito sa Eastern Samar sa kanyang huling destinasyon kung saan personal namang dadalo ang Pangulong Rodrigo Duterte para sa turnover.

Bukod kina Sec Lorenzana, Amb Sung Yong Kim ay sumaksi rin sa nasabing turn-over ceremony sina Executive Secretary Salvador Medialdea Malacañang Spokesman Atty. Salvador Panelo, si Philippine Ambassador to US Amb. Manuel Romualdez, US Defense  DA Sec Joseph Felter, PCOO Secretary Andanar, at DND Usec Reynaldo Mapagu, Undersecretary for Civil veterans and Retirees Affair.

Una rito, dalawa sa mga kampana ay nanggaling sa F. E. Warren Air Force Base, Cheyenne, Wyoming, habang ang isa ay nagmula pa sa Camp Red Cloud sa South Korea.

Ang Balanggiga bells ay kinuha ng mga Amerikano bilang “war trophy” pagkatapos ng tinaguriang “Balangiga Massacre” sa Samar noong Setyembre 1901.

Batay sa kasaysayan, nagsilbing hudyat ang pagtunog ng kampana sa pagsalakay ng mga nag-aaklas na mga Filipino laban sa tropa ng US Army habang nag-aalmusal na nagresulta sa kamatayan ng 48 Amerikano. At bilang ganti inutos ang pagpatay sa mga Filipinong hinihinalang rebelde kabilang ang mga batang sampung taon pataas kaya nagresulta umano ito sa pagkasawi ng mahigit 2 libong Filipino.

Habang may nagsasabing umabot ito sa kalapitbayan kaya nasa 10 libo ang nasawi hanggang sa sunugin ang Samar.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.