NAGING tourist attraction na ang isinauling Balangiga bells na pansamantalang inilagak sa Philippine Air Force Museum sa Pasay City para personal na makita ang mga kampana.
Naging buwena mano kahapon sa ikalawang araw ng Balangiga bells sa Filipinas, ang mga estudyante ng The Bridge Water School na bumiyahe pa mula Siniloan, Laguna makita lamang ang mga makasaysayang kampana.
Bukas sa publiko ang viewing ng mga kampana sa Philippine Air Force Museum, Villamor Air Base mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Nakatakdang ibalik sa kanyang hometown sa Balangiga ang mga kampana sa Sabado, Disyembre 15.
Martes nang maiuwi ang mga kampana matapos ang 117 taon nang tangayin ang mga ito ng mga sundalong Amerikano mula sa simbahan sa Balangiga, Eastern Samar sa kasagsagan ng Philippine-American war bilang war trophy. ELMA MORALES
Comments are closed.