BALANGIGA BELLS KUMALEMBANG SA UNANG SIMBANG GABI

simbang gabi

EASTERN SAMAR – NAGING MADAM­DAMIN ang unang Simbang Gabi sa ba­yan ng Balangiga nang marinig nila ang bati­ngaw ng isa sa tatlong kampana na isi­nauli ng Estados Unidos  matapos ang may 117 taon.

Ang mga kampana ay tinangay ng mga US Army noong nagdaang Filipino-American War, at dinala sa kanilang mga base military sa Wyoming USA at South Korea.

Umapaw sa tao ang St. Lawrence the Martyr Parish, kahit pa nagkaroon ng brownout bandang alas-4:00 ng umaga na nagsidati­ngan ang mga tao bandang ala-1 ng madaling araw pa lamang.

May mga kinilabutan at may mga hindi napigil na maluha nang marinig ang pinong tunog ng isa sa mga kampana makaraan ang 117 taon.

Una rito mistulang nagdaraos ng kapistahan ang bayan ng Bala­ngiga na nagsagawa pa ng mga pagtitipon  dahil sa pagkakasauli ng kanilang makasaysayang kampana matapos ang isang siglo.

Gamit ang mga power generator, idi­naos ang misa at dito kinalembang ng sakristan ang pinaka maliit sa tatlong Balangiga bell, na narinig sa buong bayan.

“It’s not just me but the whole town is walking in the clouds because the bells are finally with us,” ayon sa isang matandang residente.

Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat si  Deputy Deputy Chief of Mission John Law ng US Embassy in Manila dahil naging parte siya ng makasaysayang pagbabalik ng tatlong ba­ti­ngaw. VERLIN RUIZ

Comments are closed.