BALANGKAS NG NAGKAKAISANG SAMBAYANAN PEACE FRAMEWORK NG DEPED

NILIKHA ng Department of Education (DepEd) ang Balangkas ng Nagkakaisang Sambayanan (BANSA), ahen­syang tumatalakay sa national peace framework, upang mapalakas ang commitment at maitaas ang kultura ng kapayapaan, kasabay ang panawagan sa pagkakaroon ng mga paaralang ligtas at conflict-free.

“DepEd is fully committed to ensu­ring the protection of learners and schools in conflict-affected  areas and the continuity of education during periods of armed conflict. We also want to guarantee that the right of all citizens to quality and accessible education at all levels and for the right of children is protected,” ayon kay Edu­cation Secretary Leonor Magtolis Briones.

Base sa DepEd Order No. 16, series of 2022, aktibong makiki­pag-ugnayan ang ahensya upang mapanatili ang peace and order sa gitna ng mga kaguluhang nagaganap, sa pamamagitan ng mga initiatives at proyekto sa pagbibigay ng dekalidad at inclusive basic education sa ilalim ng K-12 program.

Bibigyang diin ng peace framework ng ahensya ang karapatan ng bata sa basic education, pangkalahatang kaligtasan ng mga mag-aaral at pagpapalawak ng kanilang pagkakataong lumaki sa maayos na pamayanan.

Higit pa diyan, ang BANSA outline ay sumusunod sa good go­vernance, transparency, culture and conflict-sensitive, at empowerment, kung saan nakatutok sa Access to Quality Education, Equity Res­ponsive Initiatives, at Character Formation bilang pinakaepektibong estratehiya sa pagpapatupad nito.

Nagpahayag din ang DepEd ng commitment na makiisa sa mga inter-agency meetings and engagements upang mas mabigyang diin ang kahalagahan ng edukasyon at kaligtasan ng mga mag-aaral at guro sa gitna ng mga kaguluhan.

“DepEd officials and personnel are enjoined to adopt this Balangkas ng Nagkakaisang Samba­yanan. BANSA will serve as DepEd’s Peace Framework in line with the government’s thrust of inclusive and sustainable peace through the whole-of-nation approach in achieving good governance,” ayon kay Undersecretary for Administration Alain Del B. Pascua. KAYE NEBRE MARTIN