BALASAHAN MULI SA PNP

PNP

CAMP CRAME – NAGKAROON muli ng reshuffle o rigodon sa hanay ng mga opisyal ng Phil-ippine National Police (PNP).

Una nang inaprubahan  ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang rekomendasyon para sa mga bagong pamunuan ng bawat distrito at rehiyon.

Ayon kay PNP spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana Jr. , ang mga bagong appointment ay bahagi ng pagsusumikap ng PNP na ilagay ang mga karapat-dapat na tao sa bawat posisyon.

Kabilang sa mga opisyal na  may bagong puwesto epektibo kahapon ay sina Chief Supt. Gilberto DC Cruz, na itinalaga bilang bagong regional director ng PRO-13, at Chief Supt. Noli Romana na manunungkulan bilang deputy ng Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) ng Eastern Mindanao.

Ngayong araw ay magiging epektibo ang appointments nina Chief Supt. Emmanuel Luis Licup bilang regional director ng PRO-9, Chief Supt. Tomas Apolinario Jr. bilang regional director ng PRO-4B at Senior. Supt. Eliseo DC Cruz bilang District Director ng Southern Police District.

Ang mga appointment ng naturang opisyal ay base sa rekomendasyon ng PNP Senior Officers Place-ment and Promotion Board.     EC