BALASAHAN NA NAMAN SA PNP

OPISYAL nang binitiwan kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Lt Gen. Dionardo Carlos ang kanyang posisyon bilang number 4 man ng pambansang kapulisan nang manumpa sa kanya si MGen. Rhodel Sermonia na magsisilbing kahalili sa nabakanteng puwesto.

Kasabay nito, pormal nang umupo bilang bagong PNP Chief Directorial Staff si Sermonia ang unang senior Police General na hinirang ni Carlos.

Itinalaga si Sermonia bilang number 4 man ng PNP para humalili sa binakanteng puwesto ni PNP Chief Carlos.

Gayundin,ginanap kahapon ang kauna unahang regular flag raising ceremony ni Carlos bilang ika-27 PNP chief.

Pumalit naman kay Sermonia bilang Director ng Directorate for Operations si BGen. Valeriano De leon na galing sa PNP Civil Security Group kasunod ng ginawa nito panunumpa kahapon.

Nabatid na si Sermonia ay kasapi ng Philippine Military Academy Makatao Class of 1989.

Inihayag din ni Carlos na wala siyang gagawing malaking pagbabago sa organisasyon at sa halip ay paiigtingin ang mga nakalipas na programa ng kanyang mga sinundad at higit pang palalakasin ang kampanya kontra iligal na droga, kriminalidad at terorismo.

Inasahang magkakaroon ng ilang palitan ng puwesto bunsod ng gagawing pagpupuno sa mga bakanteng posisyon sa loob ng PNP.

Ito ay matapos ang gagawing assessment sa performance ng bawat opisyal na siyang magiging basehan sa ipatutupad na balasahan. VERLIN RUIZ