ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, isang biglaang major revamp ang isinagawa sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na ang layunin ay ang paigtingin pa ang pagkolekta ng buwis, wakasan ang katiwalian at hindi na maulit ang P16 bilyong shortfall na nalasap noong 2019 fiscal year at ma-meet ang 2020 tax collection goal.
Ang rigodon sa kawanihan ay iniutos ng Chief Executive kina Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Domingues at BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay at ipinatupad sa pamamagitan ni Revenue Deputy Commissioner for Operations Arnel Guballa. Ang mga itinalaga sa kanilang bagong assignments, alinsunod sa Revenue Travel Assignment Orders (RTAOs), ay sina Assistant Commissioner for Collection Claver ‘Baby’ Nacar, Laquemar Regional Director Ric Espiritu, Cagayan De Oro City Regional Director Dante Aninag, Davao City Regional Director Joseph Catapia, Tuguegarao Regional Director Josie Virtucio at Revenue District Officers (RDOs) Helen Leano (Urdaneta City), Ramon Navarro (Laoag City), Linda Grace Sagun (Sta. Cruz, Manila), Emilia Combes (San Fernando, Pampanga), Malic Umpar (Tagbilaran City), Yolanda Zafra (Cebu City), Aldo Esmena (Malabon/Navotas Cities), Vivencio Sera (Isabela City), Dennis Floreza (Masbate City), Cesar Balangatan (Alaminos City) at Rodolfo Camilo (Gumaca, Quezon).
Inaasahang masusundan pa ang ‘opening salvo’ ng balasahan sa BIR na makaaapekto sa mga key position sa nasabing tanggapan.
Bago magtapos ang fiscal year 2019, una nang ipinuwesto ni DepCom Guballa sa mga bago nilang posisyon sina Large Taxpayers Assistant Commissioner Manuel Mapoy, BIR Regional Directors Grace Javier (Caloocan City), Jethro Sabariaga (Manila), Albin Galanza (Quezon City-A), Romulo Aguila, Jr. (QC-B), Maridur Rosario (Makati City-A), Glen Geraldino (Makati City-B), Gerry Dumayas (Cabamiro), Antonio Jamonola (Bacolod) at sina RDO’s Vivian Tarectecan (Bayunbong Nueva Vizcaya), Christine Cardona (North QC), Rufo Ranario (Valenzuela City), Vicente ‘Boy’ Gamad (Pasig City) at Helen Vista (Cainta, Taytay).
Sa iba pang development sa BIR, umabot sa P882 milyong halaga ng fake BIR stamps ang nakumpiska ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation. Ayon kay NBI agent Rolando Gadia, kanilang nasamsam sa isang bodega sa Cagayan de Oro ang nasabing stamps na gagamitin sa untaxed cigarretes para makapandaya sa dapat bayarang buwis.
Ang naturang bodega, ayon sa NBI, ay mula sa Village ng Cugman at Bayabas sa Cagayan de Oro City. Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong isasampa laban sa mga nasa likod ng sindikato.
Samantala, isa pa umanong ‘onerous deal’ mula sa subsidiary ng National Development Company (NDC) ang ipinakakansela ni Secretary Dominguez. Ito ay ang pinasok na ‘deal’ ng Chevron Philippines, Incorporated (CPI) na epektibo sa susunod na taong 2021.
Paliwanag ng DOF, ang terminasyon sa nasabing corporate life ng NDC para sa Batangas Land Company, Incorporated (BLCI) ay kanyang ginawa para mawalan ng bisa at inaprubahan ito sa ginanap na NDC Board noong 2019.
“NDC owns 60 percent of BLCI. To shorten its corporate life now, we need 67 percent of the shares but need only 51 percent of the vote not to extend the corporate life beyond 50-years,” anang kalihim.
Nakatakda namang ganapin sa susunod na buwan ang 2020 national tax campaign ng BIR sa Philippine International Convention Center (PICC) sa siyudad ng Maynila kung saan inaasahang dadalo bilang pangunahing pandangal si Presidente Duterte at ang iba pang opisyal ng gobyerno.
Inaasahang ihahayag ni Dulay ang bagong tax collection goal ngayong taon sa gaganaping ‘2020 Revenue Tax Campaign’.
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09293652344/ 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.