NASORPRESA ang karamihan sa mga key official ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nang biglang magpalabas ng Revenue Travel Assigment Orders (RTAOs) si Commissioner Romeo Lumagui, Jr. at binalasa nito ang Revenue District Officers (RDOs) sa bansa.
May basbas nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Finance Secretary Ralph Recto ang nasabing major revamp sa layuning mas mapataas ang tax collections ng ahensiya upang makuha ang iniatang sa kanilang tax collection goal at mapag-ibayo ang sistema ng pangongolekta ng buwis.
Sa initial revamp, itinalaga sa kanilang bagong puwesto sina RDOs Andrin Camba (Alaminos, Pangasinan), Esperanza Guzman (Laoag, Ilocos Norte), Ernesto Mangabat (San Fernando La Union), Nicanor Ventura (Baguio City), Merlyn Vicente (Vigan, Ilocos Sur), Aileen Punzalan (Koronadal City), Evelyn Malilin (Tacurong City), Paul Villamor (Surigao City).
Esther Rhoda Formoso (Pasig City), (Linda Grace Sagun (Mandaluyong City, Liza Tomeneng (Bayagan, Agusan Del Sur), Mary Ann Canare (Pasay City), Maglangit Decampong ( Paniqui, Tarlac), Madona Halili (Olongapo City), Antonio Mangubat, Jr. (Malabon-Navotas), Marinellia German (South, Pampanga), Gil Vinluan, Jr. (Management Service), Cynrhia Lobo (Project Management Service), Ma. Victoria Go ( Proj. Man. Serv.), at Agatha Kristie (Sanicolas-Tondo).
Inaasahang magkakaroon agad ng kasunod na RTAO na ipalalabas si Commissioner Lumagui sa pagpapatuloy na balasahan sa BIR sa mga susunod na araw.
Kamakailan ay nauna nang binalasa ang hanay ng mga regional directors, gayundin ang mga group supervisor at examiner sa bjong kapuluan.
Ayon sa source, bagama’t nasimulan na ring balasahin ang hanay ng regional directors at RDOs, inaasahang magtatalaga pa rin si Commissioner Lumagui para punan ang mga bakanteng puwesto upang makumpleto ito bago pa magsimula ang taxable year o sa susunod na taon.
Ang balasahan ay matagal na ring balak isagawa ni Commissioner Lumagui ngunit nito lang nabigyan ng pansin matapos ang pagiging abala nito sa mga conference sa loob at labas ng Metro Manila, maging sa ibayong dagat ukol sa mga usapin sa taxations.
Tiniyak ni Commissiiner Lumagui na ang nasabing balasahan ay walang palakasan at ginawa ito base sa kanilang tax collection performance at pagtupad sa kanilang tungkulin at obligasyon sa taxpaying public.