BALASAHAN SA BIR UMARANGKADA NA

Erick Balane Finance Insider

SINIMULAN na ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui, Jr. ang inaasahang major revamp sa ahensiya bilang bahagi ng paglilinis nito laban sa katiwalian at sa harap ng pagreretiro  ng ilang top officials sa susunod na taon.

Sa 2024 ay ilang regional directors at revenue district officers ang nakatakdang magretiro at sila ay papalitan agad sa puwesto upang hindi maapektuhan ang tax collection goal sa susunod na fiscal year.

Inaprubahan ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang Revenue Travel Assignment Order No. 204-2023 na pirmado ni Commissioner Lumagui para sa mga bagong assignments nina newly-installed BIR Regional Director Eric Diesto sa CaBaMiRo, Maria Olivia  Bernardo bilang head ng Calasiao Data Center, at Michael Remir Macatangay bilang Assistant BIR Regional Director sa East NCR.

Iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pumalo ang personal remittance ng overseas Filipino workers sa $36.14 bilyon, habang ang cash remittance ay umabot sa $32.54 bilyon noong 2022.

Ang personal remittance ay ipinadadala sa pamamagitan ng informal channel. Ang cash remittance naman ay ipinadadaan  sa mga bangko at iba pang financial institutions at ang pinakamalaking cash remittance ay nagmula sa Unated States of America, Saudi Arabia, Singapore at Qatar.

Ang personal remittance ay tumaas ng 2.5% kumpara noong 2021, habang ang cash remittsnce ay tumaas ng 5.8%. Ang pagtaas ng remitance ay dahil sa mas mataas na demand sa mga foreign worker sa gitna ng pagbubukas ng ekonomiya sa iba’t ibang bansa.

Ang remittances ng OFWs  ay pinapatawan ng taxes at fees ng pamahalaan.

Ilan pa sa mga buwis at fees na kinokolekta mula sa OFWs ay ang income tax, travel tax, documentary stamp tax,  PhilHealth contribution, Pag-ibig contribution, OWWA membership fee at POEA processing fee.

Ginagamit ng gobyerno ang mga nakokolekta sa OFWs na pantustos sa mga programa at proyekto na nakatutulong sa mga OFW at kanilang pamilya, tulad ng scholarship, livelihood assistsnce, legal assistance repatriation, reintegration programs at social welfare services.

Ang remittance ng mga OFW  ay mahalaga sa ekonomiya  ng bansa dahil sa kontribusyon nito sa foreign exhange,  spending, investment at job creation.

Ang remittance ay isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng dollar reserves ng bansa na ginagamit sa pagbabayad ng mga utang, importasyon at iba pang mga transaksiyon.

Ang remittance ay nakatutulong din sa pagtaas ng purchase power ng mga pamilya ng mga OFW  at nagpapalakas ng domestic demand at economic growth. Ito rin ang nagbibigay ng kapital para sa mga negosyo at imprastruktura na nakalilikha ng mga trabaho at kita.

Ayon sa pagsasaliksik, ang bilang mga OFW na nakaalis na ng Pilipinas noong  2021 ay lumobo sa 70,000 kada buwan.

Kabilang sa mga bansang destinasyon ng Pinoy wirkers ang Amerika, Saudi, Singapore, Qatar, United Kingdom, Germany, Israel, Oman at iba pa.

Kung mawawala ang remittances ng OFWs at magiging malaking kawalan ito sa ekonomiya ng bansa dahil ang remittance ay bumubuo sa halos 10% ng gross domestic product ng Pilipinas.

Ang pagbaba ng remittance ay magreresulta rin sa pagbaba ng foreign exchange reserves, domestic consumption, savings rate, investment level, at economic growth ng bansa.