BALASAHAN SA PNP HINDI PA TAPOS

albayalde_5

CAMP CRAME – MAY panibagong bugso ng reshuffle sa Philippine National Police (PNP) matapos ipuwesto sa mga bagong posisyon ang 29 na matataas na opisyal noong Hunyo 1.

Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, ang susunod na babalasahin ay mga provincial at city directors, na ibabatay naman sa resulta ng evaluation ng PNP Oversight committee.

Paliwanag ni Alba­yalde, ang performance ng mga kasalukuyang nakaupo ang magiging basehan ng kanilang pagkatanggal o pananatili sa puwesto.

Maging aniya ang mga bagong iniluklok na opisyal ay under continuous evaluation, at mayroon lang silang isang buwan para patunayan ang kanilang ga­ling sa trabaho kung hindi ay tatanggalin din sila sa puwesto.

Ito aniya ang dahilan kung bakit “acting” lang lahat ang mga bagong appointments at magi­ging permanente lang ito makalipas ang isang buwang “trial period”.

Binigyang-diin ng PNP Chief na ang paglilipat ng puwesto ng mga opisyal ng PNP ay isang command decision, na pinag-aralan ng PNP Oversight committee at hindi lamang niya desisyon.        EUNICE C.

Comments are closed.