BALDO, CHUA SASABAK SA 2022 PREDATOR WORLD 10-BALL CHAMPIONSHIP

LALAHOK sina Carlo Biado at Johann Chua sa 2022 Predator World 10-Ball Championship na gaganapin sa Klagenfurt, Austria sa Setyembre 6.

Makikipagsabayan sina Biado at Chua sa mga kilalang world-class cue masters na karamihan ay galing sa Europe sa anim na araw na kumpetisyon na may total prize na 136,000 Euro.

May 24 teams ang magbabakbakan sa prestihiyosong torneo na huling nilaro noong 2014.

Sina Biado at Chua ay doubles partnerna nanalo ng bronze sa 10-ball sa 2019 Southeast Asian Games.

Hindi pa matiyak kung sasali sina SEA Games gold medallists at world veteran Rubilyn Amit at Chezka Centeno sa Women’s 10-ball na may kabuuang premyong 138,000 Euro.

Sina Biado at Amit ay naglaro sa nakaraang World Games na ginawa sa Birmingham, Alabama. Nabigo si Biado na idepensa ang kanyang korona na napanalunan sa Wroclaw, Poland. Tumapos si Biado sa ika-4 na puwesto.

Ang torneo ay bahagi ng paghahanda nina Biado at Chua para sa 2023 Southeast Asian Games sa Cambodia at Asian Indoor at Mixed Martial Arts Games sa Thailand.

“Hectic ang schedule ko. Marami akong sasalihan bago matapos ang taon,” sabi ng 37-anyos ha cue master mula sa La Union.

Si Biado, dating golf caddy, ay itinuturing na successor ni billiard legend Efren ‘Bata’ Reyes.

Ang kampanya nina Biado at Chua ay suportado ng Billiards and Snookers Congress of the Philippines na kilala rin bilang Billiards Sports Confederation of the Philippines.

CLYDE MARIANO