BALIK-ARAL SA TURO NG DEFENSIVE DRIVING

patnubay ng driver

GOOD day, mga kapasada!  As always, dalangin po ng Patnubay ng Drayber sa ating mga kapasada at mga tagasubaybay ng pitak  na ito na kayo o tayong lahat ay ligtas sa lahat nang masamang epekto na dulot ng COVID-19. Huwag kalilimutan …

Ingat lang po tayong lahat! Mga kapasada, sa kabila po ng pagsasalat ng marami nating kababayan sa sapat na transportasyong masasakayan sa iba’t ibang destinasyon, ang nakapagtataka ay napakarami pa ring traffic accident na nagaganap halos araw-araw sa  maraming mga pangunahing lansangan sa Metropolis. Ano po kaya ang dahilan? Tanong ng maraming tawag na natanggap natin sa mga tagasubaybay ng pitak na ito. Dahil po sa kahirapan ng mabibilhan ng pahayagan sa mga dating  tindahan na kanilang dinarayo para makabasa ng mga sariwang balita hinggil sa motoring, aba e, ano pa nga ba, ‘di ang magtiyaga sila sa pagkalinga ng mga paksain ng social media. Sa isyu pong ito, balikan natin sa gunita, nostalgia, ika nga sa wikang dayuhan, ang pag-iwas sa mga traffic accident na kaya naman nating iwasan ngunit  dahil sa pagiging suwail ng ilan nating mga pasaway na drayber ay nakaliligtaan nila ang katuruan ng defensive driving na isa sa pinakamabisang doktrina ng transportasyon sa pag-iwas sa traffic accident.

MGA DAPAT IWASAN  SA PAGLUSOT SA SINUSUNDAN

Sa pakikipanayam sa ilang traffic enforcers ng Land Transportation Office (LTO) na nagmamando ng trapik sa kahabaan ng Sucat Road sa lungsod ng Parañaque, nabatid na may tatlong bagay na dapat isadiwa ang ating mga drayber sa paglusot-lusot (overtaking) upang  maiwasan ang aksidenteng ang magiging end result na dapat sana ay naiwasan kung sila lamang ay may wastong kaisipan sa mga turo ng ‘YES AND DON’T’ sa paglusot (overtake) tulad ng:  Una, hindi makatuwiran ang pagpapabilis ng takbo kung inuunahan.  Ipagpatuloy ang dating bilis (speed) o kaya ay bagalan ang pagpapatakbo. Ikalawa, magbigay ng daan sa nais mag-overtake.  Gumawi sa bandang kanan ng iyong lane  upang may sapat na daang makagawi sa bandang kaliwa ang gustong lumusot.  lkatlo, ibigay ang nararapat na respeto o kortesiya sa kapwa drayber na inaasahang ibibigay rin sa iyo kung kinakailangan.

KAILAN BAWAL ANG LUMUSOT

Mga kapasada, ayon sa LTO, mahalaga ang guhit sa lansangan.  May iba’t ibang hugis ang guhit na palatandaankung may peligro o kung kailangang hindi dapat mag-overtake o lumusot tulad ng: Una, sa mga daang may dilaw na linyang tuloy-tuloy na naghahati sa mga lane. Ito ang ‘No Overtaking Barrier’. Ikalawa, sa mga kalyeng pakurba, kung nasa loob ng isang madilim na lagusan o sa mga daang paakyat tulad ng tulay. Ikatlo, sa mga riles ng tren at sa mga sangangdaan, maliban na lamang kung may bantay sa riles ng tren o ‘di kaya ay may signal lights sa sangandaan; Ikaapat, kung ang sinusundang sasakyan ay lumalagpas na sa takdang bilis na dapat itakbo; Ikalima, kung hindi tiyak na llibre ang  daraanan sa gawing likuran. Ikaanim, kung papalapit sa ‘no passing zones’ tulad ng sasangandaan, mga kalyeng pakurba o paakyat ng tulay; Ikapito, kung ayaw magpalusot o magpa-overtake ang sinusundang drayber.  Huwag makipagkarera, hayaang mauna ito.  Ikawalo, pagkatapos mag-overtake, bumalik sa dating linya at maglaan ng sapat na distansiya nang hindi bumangga ang parteng likuran ng sariling sasakyan sa parteng unahan ng nilusutang sasakyan.  Tuwing may balak mag-overtake, sumenyas sa pamamagitan ng kamay o signal light o bumusina upang malaman ng kasunod na drayber. Laging tatandaan o isaalang-alang na sa bandang kaliwa ang maaaring lumusot. Pinapayagan lamang ang paglusot sa kanan kung ito ay ligtas at kung ang drayber na sinusundang sasakyan ay  nagsesenyas ng liko sa kaliwa, sa mga highway na may dalawahan o higit pang lanes na iisa ang direksiyon at sa mga one way traffic streets. Sa paglusot, tandaan na kailangan ang ekstrang ingat lalo naat may hilang trailer ang sasakyan sapagkat ang trailer ay may dagdag na bigat sa pagmamaneho.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGLIKO

Ibinahagi ng LTO traffic enforcer na lubhang mahalaga ang maunawaan ng drayber ang mgaalituntunin sa pagliko. Isa sa karaniwang root cause ng traffic accident ay ang pagliko ng mga drayber kung saan kalimitan ang dahilan ay human error. May tatlong bagay na dapat tandan sa pagliko upang makaiwas sa ‘di inaasahang sakuna tulad ng: Una, bagalan ang takbo bilang paghahanda sa gagawing pagliko. Ikalawa, tingnan kung saang banda ang  takbo ng mga sasakyan sa tabi, unahan o likuran para walang sabit sa paglipat ng lane at sumenyas. Ikatlo, huwag nating kaligtaan na magbigay ng nararapat na senyas sa pagliko o paglipat ng lane upang malaman ng kapwa drayber ang intensiyon at ang dapat na posisyon. Sa pagliko, sundin ang mga sign ng trapiko at magbigay ng right of way sa mga pedestrian at ibang sasakyan sa mga intersection.

TRANSPORT COOP DUMULOG SA DOTr PARA MAGPASAKLOLO

Dumulog kamakailan ang isang transport cooperative group sa Department of Transportation (DOTr)  para humingi ng saklolomatapos paghuhulihin at ma-impound ang 20 bagong units ng cooperative ng Land Transportation Franchising Regulatory at ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) kamakailan. Sa isang panayam, sinabi ni Dionisio Labis, chairman ng Francisco Homes Multi-Purpose & Transport Service Cooperative (FHMPTS), na hindi pinansin ng mga enforcer ng LTFRB at ng Metro-politaan Manila Development Authority (MMDA) ang ibinigay na Provisional Authority  (PA) ng liderato ng LTFRB.  Ayon kay Labis, ang PA na inisyu sa kanilang cooperative ay may pagpapatibay ng LTFRB at may lagda pa ito ni LTFRB-Executive Director, Atty. Armand Dioso. Ito, aniya, ay tanda ng pagbibigay sa cooperative ng kalayaan at pahintulot na makabiyahe sa kanilang rutang Cubao-Francisco Homes, San Jose del Monte, Bulacan City. Sa kabila umano na legal ang kanilang operasyon, patunay ang pinanghahawakan nilang dokumento, ay pinaghuhuli sila kamakailan habang bumibiyahe ang kanilang 20 brand new units,  bagay na itinuturing nila  na isang patunay na binalewala ang kanilang legal na PA na ipinagkaloob ng  kinauukulang ahensya ng transportasyon. Ito ang naging pahayag ng pamunuan ng naturang transport cooperative sa kanilang pagdulog sa DOTr para humingi ng saklolo kay Secretary Arthur Tugade na amutan sila ng kaluwagang  pakawalan at burahin ang utos na ang kanilang mga unit ay huwag makabiyahe sa naturang mga  ruta samantalang may legal na pahintulot at pirmadong PA ang  kanilang mga sasakyan. Ayon kay Labis, sinunod naman nila ang lahat ng  reglamento sa ilalim ng Public Utlity Vehicle Modernization Program (PUVMT) kaya naman nila ibiniyahe ang kanilang mga unit  subalit sa ‘di nila malamang kadahilanan  ay pinaghuhuli at in-impound ang kanilang mga unit.

LAGING TATANDAAN:  UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI. HAPPY MOTORING MGA KAPASADA. AS ALWAYS, STAY SAFE AND GOD BLESS.

6 thoughts on “BALIK-ARAL SA TURO NG DEFENSIVE DRIVING”

  1. 492115 693181As far as me being a member here, I wasnt aware that I was a member for any days, truly. When the write-up was published I received a notification, so that I could participate inside the discussion with the post, That would explain me stumbuling upon this post. But were definitely all members within the world of suggestions. 101638

  2. 219025 711840I was reading some of your content material on this site and I conceive this internet internet site is genuinely informative ! Maintain on putting up. 702558

  3. 974690 648363I was seeking at some of your articles on this site and I believe this internet website is genuinely instructive! Maintain on posting . 51861

  4. 902286 306035I dont feel Ive scan anything like this before. So excellent to discover somebody with some original thoughts on this topic. thank for starting this up. This site is something that is needed on the web, someone with just a little originality. Excellent job for bringing something new to the internet! 246852

Leave a Reply

Your email address will not be published.