BALIK-BANSA NA OFW NAG-SUICIDE

SUICIDE-2

ISABELA – ISANG kauuwi na overseas Filipino worker ang nagpakamatay sa pamamagitan ng bigti sa San Luis, Cauayan City.

Ang nagpakamatay ay si alyas Amelia, ‘di tunay na pangalan, 40-anyos, may-asawa, na taga- San Luis, Cauayan City.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station na nang pumasok umano sa loob ng kuwarto ng OFW ang kanyang ina ay nakita nito ang anak na nakabitin sa kisame.

Dinala sa ospital ang OFW subalit idineklara siyang dead on arrival ng attending physician.

Kumbinsido naman ang pamilya na walang foul play sa pangyayari.

Ayon sa pamilya, hindi nila alam na umuwi si Linda at nalaman na lamang na umuwi nang makita na wala ng buhay matapos magbigti. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.