BALIK ESKWELA PROGRAM NG DWIZ 882 TAGUMPAY

BALIK-ESKUWELA

Pinasaya ng DWIZ 882, sa pakikipagtulungan ng  97.9 Home Radio ang higit 400 mga estudyante mula sa Payatas C Elementary School sa Quezon City nitong Biyernes, Hunyo 8, 2018.

Bukod sa pamimigay ng mga regalo at school supplies, isang storytelling din ang isinagawa para sa mga bata na pinangunahan ni Dr. Luis Gatmaitan, Palanca Hall of Fame awardee at children’s book author.

BALIK-ESKUWELA-2Iba’t ibang palaro rin ang inihanda na kinagiliwan ng mga estudyante tulad ng Bring Me, Stop Dance at Longest Word. Lahat ng mga nanalo ay nabigyan ng premyo.

Sorpresa ring bumisita si Eldar the Wizard at Princess Victoria ng Enchanted Kingdom. At siyempre, sa gitna ng pagod at kasiyahan, binusog din ang mga bata ng masagana at masustansiyang pagkain dulot ng ating mga katuwang sa DWIZ Balik Eskwela.

Ang naturang programa ay BA­HAGI ng misyon DWIZ 882 na mag­hatid serbisyo publiko para sa mga pinakanangangailangang kababayan bilang pasasalamat sa patuloy na pagkamit ng tagumpay ng istasyon na sumasahimpapawid na sa loob ng 27 taon.

BALIK-ESKUWELA-3Hindi magiging matagumpay ang Balik Eskwela kung hindi dahil sa pakikipagtulungan ng sponsors at media partners: Enchanted Kingdom, The Pastry Cream Bakehouse, Lemon Square Cheesecake, The Joy of Giving by Ms. Cristine Pascua-Halili, Mega Sardines, CPHA Food Services, TRINITY Marketing Inc., Happy Haus Donuts, CNN Philippines, BusinessMirror, PILIPINO Mirror at OMF Literature Inc.

Taos-puso ding nagpapasalamat ang DWIZ 882 sa suportang ibinigay nina Q.C. Representatives Vincent “Bingbong” Crisologo at Winnie Castelo.

Lubos din ang pasasalamat ng DWIZ 882 sa buong pamunuan ng Payatas C Elementary School, sa mga class adviser, personnel at sa principal ng paaralan na si Mr. Eliseo Manaay Jr.

Comments are closed.