(Balik face-to-face o tuloy ang distance learning?) PAGHAHANDA SA SY 2021-2022 BUBUSISIIN

SUSURIIN ng Senado ang kahandaan ng sektor ng edukasyon para sa school year (SY) 2021-2022.

Sa Senate Resolution No. 739 na inihain ni Senador Win Gatchalian, layon nitong tingnan ang kakayahan ng mga paaralan na maghatid ng de-kalidad na edukasyon sa ano mang paraan para sa susunod na school year, sa pamamagitan man ng face-to-face classes o ng distance learning.

Sa resolusyon, itinutulak ni Gatchalian ang agarang pagsusuri sa pagiging epektibo at sa mga hamong kinaharap ng distance learning para sa SY 2020-2021, kabilang ang kakulangan ng gadgets, problema sa koryente, internet connection, angkop na espasyo sa pag-aaral, at kalidad ng mga modules.

Ang kakulangan ng pisikal na pakikipag-ugnayan, labis na screen time, at mga pressure na nagiging sanhi ng depresyon ay ilan din sa mga natukoy na suliranin. Matatandaan ding may ibang mag-aaral na nasangkot sa “sagot-for-sale” at sa “online sex sale” para makalikom ng pantustos sa distance learning.

“Matapos ang isang taon ng distance learning kung saan marami tayong hinarap na mga hamon, mahalaga at napapanahong matiyak natin kung paano natin magagamit ang ating mga natutunan upang matiyak na sa susunod na school year ay magiging mas epektibo ang paghahatid natin ng edukasyon sa mga kabataan,” pahayag ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Sa isang Pulse Asia survey na kinomisyon ni Gatchalian kamakailan lang, lumalabas na wala pang kalahati (46 porsiyento) ng mga Filipinong may anak sa basic education ang nagsasabing natututo ang kanilang mga anak. Tatlumpung porsiyento ang nagsasabing hindi nila matukoy kung natututo ba o hindi ang kanilang mga anak, at 25 porsiyento naman ang nagsasabing hindi natututo ang kanilang mga anak.

Lumabas din sa naturang survey na karamihan sa mga suliraning hinaharap ng mga magulang, guardians, at mga mag-aaral ang hirap sa pagsagot ng modules (53 porsyento), paputol-putol na internet connection (43 porsyento), hirap sa pagtutok o katamaran sa pakikinig sa online learning (42 porsyento), at kawalan ng gadgets para sa online learning (36 porsyento).

Layunin din ni Gatchalian na suriin ang kahandaan ng mga paaralan para sa face-to-face classes lalo na’t ang mahigit isang taong pananatili sa mga tahanan ay may hindi rin magandang epekto sa mga kabataan. Sa isang pandinig na isinagawa sa Senado nitong taon, tinukoy ng Philippine Pediatric Society (PPS) na ang pagsasara ng mga paaralan ay naiuugnay sa mas mataas na panganib ng karahasan at pang-aabuso. VICKY CERVALES

109 thoughts on “(Balik face-to-face o tuloy ang distance learning?) PAGHAHANDA SA SY 2021-2022 BUBUSISIIN”

  1. Comprehensive side effect and adverse reaction information. Everything what you want to know about pills.
    stromectol australia
    Everything information about medication. Actual trends of drug.

  2. Learn about the side effects, dosages, and interactions. Long-Term Effects.
    https://mobic.store/# cost generic mobic no prescription
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. Read here.

  3. safe and effective drugs are available. Prescription Drug Information, Interactions & Side. https://amoxicillins.com/ where to buy amoxicillin 500mg without prescription
    Generic Name. safe and effective drugs are available.

  4. Learn about the side effects, dosages, and interactions. Everything about medicine.
    cures for ed
    Get information now. Some are medicines that help people when doctors prescribe.

  5. Some are medicines that help people when doctors prescribe. Get information now.
    ed drugs
    Read information now. Medscape Drugs & Diseases.

Comments are closed.