GOOD day mga kapasada!
Happy New Year to all of us.
Sa isyung ito, tatalakayin natin ang nakaraang taon nating paggulong sa lansangan. Tingnan natin kung mayroon tayong maiaambag na kaunlaran sa larangan ng ating hanapbuhay.
Marami tayong katanungang dapat sagutin para sa ikabubuti ng ating buhay.
Balikan natin sa gunita ang maraming karanasan, mabuti man o taliwas sa dapat asahan para mabigyan natin ng paglilimi kung tayo baga ay may magagawang lunas sa mga kamaliang naging ugali natin sa ating hanapbuhay nitong nakaraang taon na masasabi nating muntik-muntikan nang nagpahamak sa atin dahil sa pagiging pasaway o ‘di pagkilala sa hinihingi ng batas ng trapiko: ‘di pagtalima sa kahulugan ng mga signage, pagiging accelerator happy ng ating mga paa at iba pang inugali natin sa nagdaang taon sa pamamasada o pagmamaneho.
Sana, at dalangin ng pitak na ito na iyong ugali nating pasaway sa lansangan ay mapalitan ng isang kaaya-ayang pag-uugali alang-alang sa kapakanan ng kaligtasan nating mga driver, ng mga commuter at ng mga pedestrian.
Kung gayon, kung mayroon kayong maiaambag na pagbabago sa nagawa nating mga kamalian nitong nakaraang taon na muntik-muntikan nang pagbuwisan ng buhay ng wala sa panahon ang maigaganti sa inyo ng PATNUBAY NG DRAYBER – E, DI SALAMAT PO AT MANIGONG BAGONG TAON SA LAHAT!
HINDI TATAAS ANG SINGIL SA TOLL
Ipinagbunyi ng Transport and Commuters Group (TRB) ang naging pahayag ni Engineer Alberto Suansing, tagapagsalita ng Toll Regulatory Board (TRB) na walang magaganap na pagtataas sa singil sa toll.
Tiniyak ni Engr. Alberto Suansing na walang magaganap na toll fee increase sa kasalukuyan na lubhang ikinasiya ng Transport and Commuters group.
Binigyang diin ng TCG na ito ay isang makabuluhang pamaskong handog ng TRB sa TCG lalo pa at kung isasaalang-alang ang hindi mapigilang pagtaas ng mga bilihin kabilang ang spare parts, basic and prime commodities at pangangailangang pangkabuhayan ng isang kahig at isang tukang pamumuhay ng nagdarahop na mamamayan particular ang mga commuter group.
Dalangin ng mananakayang mamamayan (commuters group na sana naman patuloy itong iiral hanggang sa matapos ang taong 2019.)
ISNABERONG DRIVER HULIHIN
Nanawagan kamakailan ang Commuters Group sa Inter-Agency Council for traffic (INC) na patindihin ang pagpapaigting ng OPLAN ISNABERO o isnaberong mga taxi at transportation network vehicle services drivers.
Tuwirang nanawagan ang Public Commuters and Motorist Alliance (PCMA) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hulihin at kasuhan ang mga abusadong taxi at TNVS drivers na namimili ng pasahero.
Ayon sa PCMA, naging karanasan ng ating mananakayang mamamayan na galing sa mahabang pagbabakasyon sa kani-kanilang lalawigan, ang nagpahayag ng kanilang reklamo na maraming mga abusadong taxi at TNVS sa iba’t ibang bus terminal sa Metro Manila ang namimili ng pasahero at ayaw magsakay kung hindi nila magustuhan ang destinasyon ng supposed to be passengers.
Idinagdag ng PCMA na marami umano ang mga taxi driver na gustong fixed rate o kontrata.
Gayundin, sa report na nakuha ng PCMA, wala rin umano silang makitang mga traffic enforcer ng I-ACT, LTO, o LTFRB na mapagpaparatingan ng sumbong tungkol sa kanilang mga concern.
Samantala, nanawagan naman ang PCMA kay Secretary Arthur Tugade na karaka-rakang magpakalat ng mga traffic enforcer at alalayan ang commuters group na nangasisiluwas sa iba’t ibang bahagi ng Metropolis mula sa lalawigan matapos ang kanilang pagbabakasyon.
PAMASAHE SA JEEP HILING IBALIK SA PHP8
Hiniling ng Public Commuters and Motorista Alliance (PCMA) sa Land Transportation Regulatory Board (LTFRB) at mga transport group na ibalik na sa PHP8 ang pamasahe sa jeepney.
Ang kahilingang ito ng PCMA ay base sa sunod-sunod na pagbaba ng halaga ng diesel at gasolina kaya makatotohanan lamang na ibalik sa P8 ang regular na pasahe sa jeepney at kaukulang discount sa students at mga senior citizen.
Ang ganitong kahilingan ay ginawa ng PCMA dahil sa bukod sa sunud-sunod na rollback ng presyo ng diesel at gasoline ay may Php5,000 pang fuel subsidy o pantawid pasada na ibinibigay ng LTFRB sa mga operator at driver, gayundin maraming mga gasoline station ang nagbibigay rin ng P2 discount sa mga jeepney driver.
Sobra na ang ganitong mga kaluwagan sa mga operator at driver na ipinagkakaloob ng mga kinauukulan kaya naman ang dapat nating bigyan ng pansin ay ang mga nagdarahop na mananakayang mamamayan.
Samantala, sinabi naman ni Orlando Marquez ng Liga ng Transportasyon at Operator sa Filipinas na hindi sila magro-rollback ng pamasahe dahil mataas pa rin ang presyo ng spare parts at ng basic at prime commodities.
Sa kabilang dako, inatasan naman ni Sen. Win Gatchalian, chairman ng Committee on Economics Affair sa Senado ang Department of Energy (DOE) na tiyaking walang negosyanteng makapagsasamantala sa muling pagtaas ng dagdag na buwis sa petroleum products.
Batay sa Tax Reform For Acceleration and Inclusion o TRAIN Law, simula ngayong Enero ay magkakaroon ng dagdag na P2 ang excise tax bawat litro sa diesel at gasolina.
Sinabi PCMA na dapat siguraduhin ng DOE na hindi ito makaaapekto sa retail price ng petroleum products dahil hindi naman bagong imports ang kasalukuyang ibinebenta ng oil companies pagkat ito ay old inventory.
MAHAHALAGANG ISA DIWA SA DEFENSIVE DRIVING
Noong ako ay magbakasyon sa California noong 2016-2017, naantig akong magsaliksik tungkol sa mga sakunang nagaganap sa mga highways sa California. Sa talang aking nakalap, bawat taon, may mahigit sa limang milyong car accidents sa mga main thoroughfares sa America ang nagaganap.
Kaugnay nito, ang mga driver ay isinasailalim nila sa retraining at ang main objective nito ay hasain sila sa kahingian ng DEFENSIVE DRIVING.
E, ano ba ang defensive driving sa layman’s language. Put simply, defensive driving is nothing more than driving well. More specifically, sangkot dito ang pasgsisikap na maging pinakamahusay na driver, pinakaligtas at most considerate driver sa lansangan na ang lunduan (end result) ay bibihirang aksidente at better driving experience para sa bawat driver gayundin sa iba pang mga katulad nating driver na gumugulong sa lansangan para sa paghahanapbuhay.
Maganda ang adhikain ng Defensive driving para sa kaunlaran ng mga driver kaya naman, sa maraming isyu ng pitak na ito, lagi nating isinisingit ang pahapyaw na layunin nito para sa iyong kaligtasan.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA DEFENSIVE DRIVING
Here are some ways in which you can incorporate defensive driving into your driving skill set tulad ng:
- Respect other drivers – maaaring ikaw ang pinakamahusay na driver na masasabi, ngunit hindi mo masasabi na hindi ka magkakamali. Kaya ang kailangan ay mutual respect sa kapwa driver.
- Yield kung kinailangan – kahit na ikaw ang nasa tamang lane, hindi tayo nakatitiyak na ang iba naman ay nakalilimot kaya ikaw na nasa tama ay magbigay roon sa mga nakalimot.
- Look ahead – ang isang defensive driver ay laging alisto at nakatuon ang pananaw at isipan sa maaaring maganap na ‘di inaasahan. Kung may nakikitang kumakain ng iyong lane, magpabagal ng takbo at bigyan ng pagkakataon ang umaagaw ng linya.
- Pag-aralan ang batas na ipinatutupad sa dinaraanan tulad ng paggalang sa mga signages at iba pang dapat igalang lalo na sa pedestrian at pagbibigay ng kaluwagan sa mga senior citizen at may kapansanan.
LAGING TATANDAAN: UMIWAS sa aksidente upang buhay ay bumuti.
Happy motoring!
Comments are closed.