PINAG-AARALAN ng COVID-19 task force ng pamahalaan ang posibilidad ng pagpapahintulot sa muling pagbiyahe ng mga provincial bus sa Metro Manila, na kasalukuyang nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Sa isang televised briefing kahapon, sinabi ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na wala pang desisyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa naturang bagay.
“Wala pa pong pinal na desisyon dahil nga po lumalabas nga po sa pag-aaral sa iba’t ibang bansa na transportation is one of the fastest ways to spread COVID-19,” sabi ni Malaya.
“Antabayanan na lang po natin kung magkakadesisyon na ang IATF.”
Sa ngayon ay pinapayagan na ng gobyerno ang operasyon ng trains, jeepneys, taxis, transport network vehicle services, UV express units, tricycles, shuttle services, point-to-point buses, at augmentation buses sa Metro Manila sa limitadong kapasidad.
Ang GCQ sa Metro Manila ay ipatutupad hanggang Setyembre 30.
Comments are closed.