SA LAKI ng perwisyong idinulot ng New Year’s Day NAIA glitch, makatuwiran ang opinyon ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na dapat ibalik ang kabuuang halaga ng airfare na binayaran ng mga pasahero.
“Because this is clearly the fault of the goverment and not of the airlines. Many passengers are unable to avail of basic compensation and accomodation packages such as free hotel rooms,” sabi ni Salceda.
“Kung mangyari ito, malamang mangangailangan ang gobyerno ng halagang P600 milyon para sa balik-pasahe o reimbursement ng tinatayang 66,000 pasahero – 56,000 dito noong unang araw ng Enero, at 10,000 naman noong Enero 2 – bilang kabayaran sa kanilang tickets kung ang bawat isa ay nagkakahalaga ng P10,000 pero kung higit pa rito, mas malaking pondo ang dapat ilaan,” sabi ng mambabatas.
Ang kontrobersiyal na isyu ay bahagi ngayon ng magkahiwalay na imbestigasyon ng House of Representatives at Senado upang.alamin kung mayroon nga bang mga opisyal mula sa Civil Aviation Authority of the Philipoines (CAAP), Department of Transportation and Communucations (DOTr), Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang sangay ng gobyerno na dapat managot sa isyung ito.
“Under the Joint Administrative Order No. 1, Series of 2012 of DOTr at DTI, passengers would have the rigth to be reimbursed for the total value of their fare if the CAAP certifies that the flight cancellations were caused by ‘force majeure, safety and/or security reason,” paliwanag ni Salceda.
Ang sanhi ng fligth delays at cancellations ay dahil sa malfunctioning ng commercial back-up ng Untinterruptible Power Supply (UPS) at ng Communications, Navigation and Surveillance System for Air Traffic Management o (CNS/ATM).
Ang CNS/ATM ang nagbibigay pahintulot sa mga eroplano na magkaroon ng komunikasyon sa bawat isa at kumonekta sa Air Traffic Managemdnt System (ATMS).
Kung mag-malfunction ito, mawawalan ng direktang kontrol ang CAAP sa Philippine traffic airspace.
“So, I am asking DOTr Secretary Bautista to look into how the CAAP can compensate passebpngers hassled by this delays, bacause passengers pay terminal fee and airlines pay fees to the CAAP. They failed both sectors, in this case. And there’s a real funancial damage to both passengerd and airlines as a result of this failure,” paliwanag ni Salceda
Inaasahang maghaharap na sa isasagawang imbestigasyon ang mga personalidad na may kinalaman sa kontrobersiyal na isyung ito sa sandaling ipatawag ng investigating-body ang mga taong sangkot dito.
vvv
(Para sa komento, mag-email sa [email protected] o tumawag sa #09266481092).