HINDI sapilitan ang pagpapatupad ng Balik Probinsiya Program ng pamahalaan.
Ito ang nilinaw ni Senador Christopher Bong Go sa isinusulong na programa ng pamahalan kasunod na rin ng corona virus disease ( covid-19) crisis.
Sinabi ni Go na kung sino lang ang gustong bumalik sa mga lalawigan ay siya lamang tutulungan na makabalik sa kani-kanilang probinsiya.
Ayon kay Go, hindi naman maaaring sapilitang pauwiin sa probinsiya ang mga ayaw at may trabaho sa Metro Manila.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Go na nagkaroon na ng mga pagpupulong sina Executive Secretary Salvador Medialdea, DILG officials at iba pang epartamento para makabuo ng Executive Order na pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang din dito ang pagbuo ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Council na siyang mangangasiwa sa implementasyon ng programa.
Makatutulong sa mas mabilis at mas maayos na paghahatid ng gobyerno ng assistance sa mga mamamayan ang Balik Probinsiya program.
Ipinaliwanag pa nito na naging isyu sa pagbibigay ng Social Amelioration Program ang paghihiwa-hiwalay ng mga magpapamilya kung saan ang ibang miyembro ng pamilya ay nasa probinsya habang ang iba naman ay nasa Metro Manila.
Giit pa ng senador, mas mapapadali at mas magiging maayos ang pagbibigay ng tulong sa mga tao kung bibigyan sila ng oportunidad na mabuo ang pamilya nila sa iisang bahay sa pamamagitan ng Balik Probinsiya Program. VICKY CERVALES
Comments are closed.