SINUSPINDE muna ng gobyerno ang Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa Program.
Ito ayon kay National Housing Authority (NHA) General Manager at Executive Director Marcelino Escalada, Jr. dahil sabay-sabay na naipon sa Metro Manila ang mga overseas of Filipino worker (OFWs), construction workers, mga estudyante at iba pang local tourist dahil sa ipinatupad na lockdown
Sinabi ni Escalada na kapag natapos na ang pagpapauwi sa locally stranded individuals (LSIs) ay saka na lamang nila bubuhayin ang Balik Probinsya Program sa susunod na buwan.
Mahirap aniyang isabay sa bulto ng LSIs ang pagpapauwi sa mga beneficiary ng Balik Probinsya. DWI882
Comments are closed.