Balik Saya, Balik Sigla: CMAP PASASALAMAT 2024 MATAGUMPAY NA NAIRAOS

NAGING matagumpay ang Circulation Management Association of the Philippines (CMAP) Pasasalamat 2024 na ginanap noong December 11, 2024 sa Pent House ng Manila  Bulletin sa Intramuros, Maynila.

Tema ng okasyon ay Balik Saya at Balik Sigla para sa mga dealer.

Ang okasyon ay handog ng CMAP sa lahat ng news dealers sa Pilipinas na dumalo sa nasabing okasyon.

Naglalayon ang pagtitipon na  ibalik ang sigla sa pagbebenta ng diyaryo, magazine at iba pang babasahin na may kaugnayan sa pagbabalita.

Samantala nasa larawan ang Officers of Circulation Management Association of the Phils. (CMAP) from left to right:  George Alonzo – Remate ( Board Member), Alberto Balanag – People’s Tonight (Board Member),  Rolando Manangan – Business Mirror (PRO), Edison Camarines – Manila Times ( Business Manager), Edgar Valmorida – Manila Standard (Board Member),  Erick Clemente –   Malaya Business Insight (Treasurer), Edwin Monforte – Phil. Star (President), Roy Raul Mendiola – Phil. Daily Inquirer (Vice President), Erlinda N. Villar – Pilipino Mirror (Secretary), Jojit Mon Alban̈o – Bulgar (Auditor)  Lenie  Venancio. – Police Files (Board Member), Cecilia Bulacan – People’s Journal (Board Member).

Naging masaya ang pagtitipon nang surpresang dumating ang Senatorial Candidate Chavit Singson na nag-promote ng VBank , digital financial platform  para sa unbanked and underbanked Filipinos.

Natapos na masaya ang pagtitipon na bukod sa masasarap na pagkain ay nakatanggap pa ng blessings kay Singson.