ON THE heels of the Pilipino Mirror’s eighth anniversary and on the 87th day in quarantine, we are back with our usual showbiz chikahan which we were forced to abandon last mid-March due to Covid19 pandemic or as others say plandemic.
Nag-shut down ang lahat ng negosyo, eskuwelahan, sinehan at iba pang industriya dahil sa isang giyera na hindi nakikita.
Sa isang iglap, nawala ang mga sinusubaybayang programa sa telebisyon at puro replay ang napanonood noong panahon ng quarantine.
Pero ang nakatutuwa ay ang pagbabayanihan ng mga Pilipino, at sa parte ng mga artista na namigay ng kanya-kanyang tulong lalong-lalo na sa mga frontliner na nagsilbing bayani para mailigtas ang mga naging biktima ng Covid 19 pandemic.
Nakalulungkot din na marami sa kanila—mga doctor at nurses— ang nalagas sa gitna ng giyerang hindi nila nakikita at nabigla sa pagdating nito.
MGA ARTISTANG TUMULONG SA KRISIS NG COVID 19
GUSTO kong pasalamatan ang mga artistang nanguna agad para makapagbigay ng suporta tulad nina Angel Locsin na nagkaloob ng mga tent para sa mga frontliner, bukod pa sa mga pagkain para sa kanila. Alam ng lahat na si Angel ay laging nakaantabay sa mga sakuna at delubyo na nangyayari sa ating bansa, naroon lagi ang kanyang presensiya at di alintana ang kanyang pagiging artista. Mabuhay ka, Angel!
Hindi man nagpaalam ng kanilang tulong ay nariyan sina Alden Richards at Maine Mendoza na nagkaloob ng kanilang milyon para sa mga frontliner bukod pa sa pagkain nila. Tahimik lamang ang dalawa sa kanilang pagkakawanggawa at hindi nagpa-anunsiyo ng kanilang mga naitulong.
Nariyan din ang mag-asawang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na mismong siya ang nagluto ng mga pagkain para ipamahagi sa mga frontliner.
Sharon Cuneta also contributed some of her millions for the needs of our frontliners like PPEs, facemasks, and other es-sentials.
Amid this pandemic was the sudden closure of ABS CBN network over its non-renewal of franchise and is still currently being tackled in the House of Representatives.
Nag-trending ang mga komento at rants ng kanilang mga talent na actor at actresses over the closure and bagama’t nauna nang matigil ang ilang programa dahil sa Covid 19.
Nag-trending ang rant ni Coco Martin, ang statement ni Kim Chiu na umani na batikos dahil sa kawalan umano ng saysay ng kanyang mga sinabi.
Habang kasalukuyan pang tinatalakay ang usapin ng renewal ng ABS CBN sa Kamara, mapapansin na nagkaroon ng konting pagbaba ng mga reklamo mula sa Kapamilya network, na tama lamang at ipaubaya sa batas, sa mga abogado na mas higit na nakaaalam ng bawat linya at balangkas ng batas.
Mas maganda ang maghintay tayo at habang nasa ganitong kalagayan at manalangin ang hingin sa Diyos, “Thy will be done.”
On the happy note, alam kong naging masigla ang AlDub Nation sa muling pagla-live ng Eat Bulaga kahapon ng tanghali kung saan magkasama ang kanilang idolo na na sina Alden Richards at Maine Mendoza sa studio.
Naka-zoom ang ilang Dabarkads na sina Bossing Vic Sotto, Pauline Luna, Joey de Leon, Allan K, Ryzza Mae, Baeby Baste, Pia Guanio, Ryan Agoncillo, habang naka-live sa studio ang Jowapao (Jose, Wally and Paolo) kasama sina Alden at Maine.
24 ORAS
DOMINATES ONLINE VIEWERSHIP; GMA TOPS ONLINE NEWS VIDEO PUBLISHER SA PINAS
PATULOY na nangunguna ang GMA News bilang top online news video publisher ng bansa.
Base sa datos ng Abril 2020 mula sa social video analytics Tubular Labs, nakapatala ang GMA News ng all-time record na may 458.8 million video views sa Facebook.
Ganundin sa YouTube, nakapag-post ang GMA News ng 200.8 million video views for the said period.
Samantalang ang ABS-CBN News ay nakapagtala lamang ng 368 million at 119 million views sa Facebook at YouTube, ayon sa pagkakasunod.
Bilang nangungunang online news source, nasa ika-walong spot ang GMA News sa Tubular Labs’ global leaderboard para sa Overall Creators in the News and Politics content genre. Naungusan pa nito ang international outlets tulad ng Fox News (No. 11), Al Jazeera (No. 13), CNN (No. 16), NBC News (No. 24), at BBC News (No. 29).
Samantala, ang flagship program ng GMA News na 24 Oras ay nagsimula ng global streaming sa GMA News’ Facebook page at YouTube channel noong nakaraang Mayo 11.
Complementing its wide reach via TV broadcast, 24 Oras has also become the most-viewed local newscast both on Fa-cebook and YouTube.
Dagdag pa rito, nagpo-produce na rin ang GMA News and Public Affairs Digital ng online shows sa gitna ng amid the COVID-19 crisis. Kasama rito ang “Need To Know” explainer series at “Quarantined with Howie Severino,” na makikita sa GMA News’ Facebook at YouTube pages.
Sana ay magtuloy-tuloy na ang pagbubukas ng mga establisimiyento para kahit paano, unti-unting makabangon ang ekonomiya ng bansa.
Kung pagbabasehan ang datos ng DOH sa infected individuals, bagama’t nadaragdagan, mabilis din naman ang recoveries at kaunti ang pumapanaw.
Meanwhile, habang wala pang vaccine laban sa Covid 19, let’s live with it by following government guidelines in this “new normal” set up and take care of ourselves by boosting our immune system.
Stay safe, stay at home still!
Comments are closed.