TUKAAN was like a voice in the wilderness, a light at the end of the tunnel as the saying goes. Ang adhikain ni EMOY GORGONIA nang itinatag ang TUKAAN ay upang ipaabot sa sambayanan na ito ay hindi lamang sugal kundi isang napakagandang kultura na sumasalamin sa ating bansa.
Hirap ang dinanas ni Emoy nang hindi siya makakuha ng permiso sa MTRCB dahil ito nga raw ay sugal. Dumaan sa butas ng karayom habang ipinaliliwanag niya na ang sabong ay isang makabuluhang libangan na darating ang panahon na magiging isang napakagandang pagkakakitaan ng maraming Filipino sa buong bansa. Unti-unti sa TV SHOW na ito ay namulat ang kaalaman ng bayang sabungero sa lahat ng mga bagay na makatutulong sa kanila sa sabong. Mula sa pagpapalahi, pagpapalaki, pag-aalaga ng tama upang hindi magkasakit, paggamot at pag-iwas sa sakit, maging ang pagtatari ay naging isang kapana-panabik na hinintay ng mga sabungero tuwing Linggo. Ang lahat ng ito ay binigyan ni EMOY ng magandang exposure sa TUKAAN at dito mabilis na nabigyan ng tamang kaalaman ang bayang sabungero sa mga tamang pamamaraan sa larangan ng isport na ito.
Napakaganda ang ginawa ni Emoy nang kanyang isa-isang ipunin ang mga kinikilalang haligi ng sabong upang magpatunay na ito ay hindi sugal kundi isang libangan at malinis na pagkakakitaan ng taumbayan kung mabibigyan ng tamang imahe at mabura ang masakit na paratang na ito ay sugal at kalupitan sa hayop. SPEAKER RAMON MITRA, AMB. DANDING COJUANGCO,CONG.PEPEING COJUANGCO, CONG. JAMES CHIONGBIAN, CONG. D.O.PLAZA,NENE ARANETA, CONG. PATRICK ANTONIO at hindi na mabilang na malalaki at kinikilalang tao sa mundo ng sabong na naging mga IDOLO at nagbigay ng magandang imahe sa libangang ito.
Pagkalipas ng 20 taon ay narito na ang sabong na tinaguriang isang sunshine industry na patuloy na lumalago kada taon. Ito ay marahil na rin sa napakatinding kumpetisyon at parehas na ang labanan kahit saang sabungan.
Dito pumapasok ang napakalaking ambag ng TUKAAN upang maghatid ng mga bagong kaalaman, teknolohiya at tamang pamamaraan sa pagpapalaki ng malulusog na mga manok panabong. Sa aking panayam sa isang Amerikanong alamat sa sabong na si Johnnie Jumper, “What you are doing is a clear service to the industry and it definitely leveled the playing field in all aspects of the sport from breeding to conditioning. Now, no one in this world can dominate the sport unlike before that only a few breeders have the technology, bloodlines and know how. This is a great for all of us because your show and PIT GAMES MAGAZINE created a great impact to where the sport is right now,” mga salitang binitawan ni Johnnie Jumper nang siya po ay ating makapanayam sa Sunset, Louisiana noong siya ay magpaderby doon, ilang taon na ang nakalilipas.
Ano man ang inabot ng sabong ngayon ay napakalaki ang naging ambag ng TUKAAN dito. Ang sabong ay parte na ng buhay ng mga Filipino at kahit saan ka magtungo ay makakakita ka ng mga manok panabong na nakatali rito, doon at kahit saan. HERE, THERE AND EVERYWHERE, SABONG IS HERE TO STAY. Kaya kayo po ay aking inaanyayahan sa darating na Oktubre 9, 2018 sa Imus Sports Arena kung saan gaganapin ang IKA-20 ANIBERSARYO ng TUKAAN sa pamamagitan ng isang 5-STAG DERBY. Isang labanan ng mga kinikilalang gamefowl breeders ng ating bansa. Ang highlights po nito ay ipalalabas natin sa TUKAAN at ang lahat ng SULTADA naman ay sa PINOY XTREME XHANNEL ipalalabas.
Isang pagbati ng HAPPY BIRTHDAY ang aking hatid sa aking matalik na kaibigang si DOMI CORPUS ng HI ACE SHIPPING USA, ang NO. 1 Shipper ng mga palahiang manok sa Amerika papunta sa ating bansa. Si Domi ay isang halimbawa na naging maganda at matagumpay ang buhay kasama ang kanyang maybahay na si Rhia at anak na si Jame dahil sa napakagandang serbisyo at pakikitungo sa kanilang mga parokyano sa buong bansa. Sa mga darating na issue ng PUSONG SABUNGERO ay ibabahagi ko po sa inyo ang napakagandang istorya ng HIACE SHIPPING at kung papaano nila napaunlad ang kanilang negosyo at serbisyo.
Comments are closed.