BALIKANG MARK ANTHONY-CLAUDINE MALABO NA

KUNG hindi sila magkakabalikan sa loob ng tatlo o apat na taon ni Claudine Barreto, malabo na silang magkabalikan, ito ang pahayag ni Mark Anthony Fernandez.

Ani Mark Anthony, teenager pa sila nang unang magkarelasyon, at ngayon ay pareho na silang 42 anyos. Kung magkakabalikan, dapat noon pa.

“Posibleng magkabalikan kung mangyayari in the next three or four years. Pero kapag lumagpas na doon, parang imposible na,” aniya. “Kapag hindi kami nagka-loving-loving in the next three years, wala nang mangyayaring ganoon, co-actors na lang kami. Pero beyond that, hindi na ako aasa pa.”

Nagsimula ang isyu nang muli silang nagkasama sa drama-suspense movie na Deception.  –KAYE NEBRE MARTIN