BALIKATAN 2019, COMMITMENT NG FILIPINAS SA “PEACE AND STABILITY” – DND

BALIKATAN 2019

NAGTAPOS na kahapon ang Balikatan Exercise 2019 sa pagitan ng Philippine, US at Australian military para sa Department of National Defense (DND),  ang matagumpay na pagtatapos ng balikatan ngayong taon ay pagpapamalas ng “commitment” ng Filipinas sa “peace and stability” sa Indo-Pacific Region.

Ayon kay  Defense Secretary Delfin Lorenzana  ang “mutual commitment” ng Filipinas at Estados Unidos sa kapayapaan sa rehiyon ang pinakamahalagang aspeto ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Dagdag pa ng opis­yal sa pagsasanay ay pinatunayan ng mga tropang Filipino at Amerikano na patuloy silang tatayo ng “shoulder to shoulder” sa gitna ng mga hamong pangseguridad sa rehiyon.

Sa pakikilahok naman ng ilang mga observer countries sa balikatan exercise nga­yong taong ito, sinabi ni Lorenzana na sisikapin ng organizers ng Balikatan na mapalawak pa ang partisipasyon ng ibang mga kaalyadong bansa sa rehiyon sa hinaharap.   REA SARMIENTO

Comments are closed.