HINDI na daraan sa 14-day quarantine ang mga parating na balikbayan, ito ang napag-alaman ng Pilipino Mirror.
Sa report, inamyendahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) ang Resolution No. 92 kaugnay sa travel restrictions sa mga manggagaling sa mga bansang may bagong COVID-19 variant.
Exempted na umano ang foreign nationals na may valid visas na kinabibilangan ng mga personnel ng accredited international organizations at mga asawa o menor de edad na anak ng Filipino citizens na kasama nilang bumiyahe sa 14-day quarantine.
Subject naman sa applicable testing and quarantine protocols ng Department of Health (DOH) ang mga kasong medical at emergency cases at medical escorts.
Sasailalim sa prescribed testing and quarantine protocols ang mga Filipinong manggagaling sa mga bansang sakop ng travel restrictions sa halip na dating mandatory 14-day quarantine.
Batay sa testing and quarantine protocols, ang mga balikbayan, partikular ang manggagaling sa mga bansang may travel restrictions ay agad sasailalim sa RT-PCR test at sasailim sa quarantine hanggang lumabas ang resulta ng dalawang swab test.
Aabutin ng limang araw ang resulta ng nasabing dalawang test. NENET L. VILLAFANIA
Comments are closed.