BALITANG BUNTIS NA SI SARAH GERONIMO, FAKE NEWS!

sarah geronimo

PINABULAANAN ng isang malapit kay Sarah Geronimo ang tungkol sa kumakalat na buntis na ang singer-actress.

Nagsimula ang ispekulasyon ng  fans noong napansin nila ang umano’y “baby bump” ng singer-actress sa mga nakaraang video nito.

Pero itinanggi ito ng kaibigan niyang nagsabi na “in two years’ time” pa ang plano ng mag-asawa na magkaroon ng anak.

‘Di maitatago ang kasabikan ng fans nina Sarah at Matteo sa pagbubuntis ng singer-actress simula noong ikasal ang dalawa.

Hindi naging madamot si Matteo sa mga tagahanga ni Sarah sa pagbabahagi ng mga kaganapan sa kanilang buhay, kaya siguradong si Matteo pa mismo ang unang magbabalita sa kanilang fans sakaling mangyari ang kinasasabikang pagbubuntis ni Sarah.

Matatandaang noon pa man ay napabalita na rin na buntis na si Sarah, ngunit pinabulaanan ito ni Matteo sa isang virtual press conference.

“Baby plans? I don’t think so. Not yet.

“We’re just enjoying our time together, after all these years. Hopefully in the right time,” paglilinaw ni Matteo. ANGELO BAINO

Comments are closed.