BALOTA PARA SA PLEBISITO NG BOL TAPOS NA

COMELEC-6

NATAPOS  na ng Commission on Elections (Comelec)  ang pag-iimprenta sa mga balotang gagamitin para sa plebesito ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Inihayag ni Comelec  Spokesman James Jimenez  na  sa loob lang ng tatlong araw, nakompleto nila ang pag-iimprenta sa 2.8 milyong mga balota.

Sa pagpasok ng 2019, ipadadala na nila sa mga lugar na saklaw ng panukalang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang mga balota na natapos na rin nilang isailalim sa berepikasyon.

Kabilang rito ang Cotabato City, Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit at Pigkawayan sa North Cotabato; bayan ng Isabela sa Basilan at mga lalawigan sa ilalim ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Sa Enero 21, 2019  idaraos ang plebisito  ng  BOL sa mga nasabing lugar habang sa Pebrero 6, 2019 naman sa  103 pang mga lugar na layong isailalim sa BOL. AIMEE ANOC

Comments are closed.