INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na una nilang iimprenta ang mga balota sa Overseas Absentee Voting (OAV ) para sa nakatakdang May 2019 elections.
Nilinaw ni Comelec spokesperson James Jimenez, kaya inuna ang balota sa OAV dahil sa iba ang hitsura ng mga ito sa balotang gagamiting sa mismong halalan sa bansa.
Aniya, ang laman lamang ng AOV ballots ay national candidates kaya madaling matatapos ang printing ng mga ito.
Sisimulan ang pag-imprenta ng balota sa Pebrero 7 kung saan gagawin itong 24/7 na inaasahang matatapos sa kalagitnaan ng Abril.
Gayundin, hindi na kasama ang pangalan ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa balota matapos nitong bawiin ang kanyang kandidatura nitong Biyernes (Peb. 1).
Sinabi rin ni Jimenez na magsisimula na ang campaign period para sa national candidates sa Pebrero 12 at tatagal hanggang May 11.
Comments are closed.