BAMBANTI FESTIVAL 2020 AARANGKADA NA

BAMBANTI FESTIVAL

ISABELA – MULI na namang aarangkada ang isa sa ipinagmamalaki ng lalawigan ng Isabela ang limang araw na pagdiriwang ng ‘’Bambanti Festival 2020’’ na sisimulan sa Lunes, Enero 27, na ang magiging punong abala ay ang dating go­bernador at ngayon ay Vice Governor Faustino ‘’Bojie’’ Dy, III na aakto ring director general ng Bambanti Festival 2020.

Ang Isabela ay kilala at sentro ng agrikultura na may kaalaman sa pagsasaka na karamihan sa mga napadpad dito sa lalawigan ng Isabela at nakagisnan ay namulat sa pagiging katoliko ay namana sa kanilang mga ninuno nang dumaong sa Filipinas ang mga Espanyol.

Hanggang umabot na sila sa kanilang mga pani­niwala na naghatid para magkaisa at ang development kung saan ay nagkaroon ng kultura mula sa iba’t ibang grupo, tulad ng Tagalog, Ibanag, Itawes, Yugad, Hinglander, Du­magat, kabilang ang tribong Agta na dinominahan ng lahing Ilocano.

Layunin ng mga opisyal ng Isabela, na mapanatili nito at maprotektahan ang lakas at makamit sa agrikultura ang kanilang kaalaman hanggang sa unti-unting natuklasan ang pagiging pagkamalikhain, energe­tic, hanggang sa umabot sa kanilang kaisipan ang isang uri ng ‘’scarecrow’’ na yari sa isang patpat na Cauayan na dinamitan na parang isang tao sa gitna ng bukid upang bugawin o takutin ang mga ibon, insekto at ba’t ibang mga uri ng hayop na maaring manira sa kanilang mga tanim na palay.

Magugunitang ang Bambanti Festival ay pinasimulan noong Marso 1997 ni yumaong dating Gobernador Benjamin Dy, at ng kanyang may bahay na si Cecil Dy, na ang naging simbolo ay isang ‘’Scarecrow’’ na siyang nagtataboy sa mga ibon na kumakain sa bunga ng palay na malapit ng anihin ng mga magsasaka.

Ang Isabela na na­kilala dahil sa natural na ganda nito ay maaring makahikayat ng mga investor, mayroon itong oil production, woodcraft, furniture making, meat processing, at tourism destination na may magagandang tanawin kung saan ay kasalukuyang dine-develop ang beach paradise na mata-tagpuan sa coastal town ng Isa­bela.

Kaya ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela ay inaanyayahan ang lahat upang malanghap ang sariwang hangin at kalmadong environment sa mga nagnanais na makita ang kagandahan ng lalawigan ng Isabela. IRENE GONZALES

Comments are closed.