BAMBANTI FESTIVAL SHOWDOWN, BUMANDERA SA CAUAYAN CITY

CAUAYAN CITY – Pabonggahan sa pagsayaw at pagindak ang mga Isabela Bambanti Festival street dancers sa SM Cauayan mall dito noong Linggo.

Ang Bambanti ay salitang Ilocano na ang ibig sabihin ay scare crow o mga panakot sa ibon na sumisira sa mga palayan at maisan sa lalawigan.

Mahigit sa 300 na mga mananayaw ng Bambanti ang nagpakitang-gilas sa sayaw at indak at bawat grupo ay nakiisa sa mga ritmo ng kanilang inihandang presentasyon.

Kakabilib ang synchronized na sayawan ng mga mananayaw na nakadamit ng magagara at kasiya-siya na mga kasuotan na gawa karamihan sa mga natibong mga kagamitan.

Masigabo ang palakpakan ng mga manonood na lalong ikinasiya ng mga mananayaw.

VIA HANNAH VISAYA