ISABELA – Labis ang katuwaan ng pamunuan ng Department of Trade and Industry (DIT) Isabela sa pagkakadiskubre ng iba’t ibang produkto ng 34 na bayan at tatlong lungsod kung saan ang isa rito ay component city.
Bukas, Mayo, kaliwa’t kanan na umano ang mga pagdiriwang ng fiesta ng mga bayan at lungsod sa Isabela kung saan ay naging bahagi na nila ang pagpapakilala ng kanilang mga produkto na isa sa kanilang One Town Product (OTOP).
Ayon kay Provincial Director Winston Singun ng DTI Isabela, na hindi nila pinapalampas ang pagkakataon na magtungo sa mga bayan na nagdiriwang ng fiesta at nagsasagawa rin sila ng trade fair, upang sa pamamagitan nito ay nakikita ng DTI ang potensyal ng mga produkto na maaaring ipakilala sa iba’t ibang lugar lalo na sa Metro Manila.
Sinabi pa ng pamunuan ng DTI nakikipag-ugnayan na umano sila sa mga kilalang mga negosyante lalo na sa mga nagmamay-ari ng mga kilalang mga mall, upang pag-usapan ang mga maaaring gawin nang lalo pang lumago ang kanilang negosyo.
Ituturo ng DTI sa mga nag-uumpisa pa lamang sa kanilang negosyo lalo na ang mga small time na mga negosyante kung saan ay tatalakayin din nila ang mga training para maituro sa kanila ang magandang packaging ng kanilang mga produkto upang magka-roon sila ng karagdagang kaalaman sa pagnenegosyo.
Ipinagmalaki pa ni Provincial Director Singun na kasado na ang pagsasagawa ng Bambanti Trade Fair sa Metro Manila upang ipakilala ang mga naiibang produkto ng mga Isabelenio na aprubado ng DTI.
Labis namang nagpapasalamat si Isabela Governor Faustino ‘’Bojie’’ Dy sa tulong ng pamunuan ng DTI sa kanilang pagpupursigi na lalo pang makilala ang lalawigan ng Isabela sa mga bago at naiibang mga produkto mula sa nasabing mga bayan at lungsod. IRENE GONZALES
Comments are closed.