BAMBOL, MAGSAYO SA PSA FORUM

Abraham Tolentino

MAGIGING special guests sina Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino at world featherweight champion Mark Magsayo sa virtual Philippine Sporstwriters Association (PSA) Forum sa pagpapatuloy ng weekly session nito ngayong Martes (March 22).

Magbibigay si Tolentino ng update sa kanyang nalalapit na biyahe sa Hanoi, Vietnam para sa isang pagpupulong hinggil sa 31st Southeast Asian Games, at tatalakayin niya ang mga kaugnay na usapin hinggil sa Philippine sports.

Ang kinatawan mula sa eighth district ng Cavite ay haharap sa first half ng two-part session na magsisimula sa alas-10:30 ng umaga.

Samantala, tatalakayin ni Magsayo, 26, ang susunod niyang hakbang makaraang agawin ang WBC featherweight championship mula kay Gary Russell Jr. noong nakaraang Enero.

Ang Forum ay itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Philippine Sports Commission (PSC), POC, Amelie Hotel Manila, Unilever, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ang public sports program ay naka-livestream via  PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at opisyal na sini-share ng Radyo Pilipinas 2 Facebook page.