TULAD ng inaasahan ay muling nahalal si Abraham ‘Bambol’ Tolentino bilang presidente at dinomina ng kanyang buong “Working Team” ang Philippine Olympic Committee (POC) elections kahapon sa East Ocean Garden Restaurant sa Parañaque City.
“The General Assembly has spoken,” wika ni Tolentino, na nakalikom ng 45 votes na kumakatawan sa 75 percent ng 61 voting members ng POC.
Ang kanyang kalaban, si baseball head Chito Loyzaga, ay nakakuha ng 15 votes sa eleksiyon na halos mabahiran makaraang maghain ang grupong tumututol kay Tolentino ng temporary restraining order upang pigilan ang eleksiyon na idinadaos tuwing ika-4 na taon.
Ang TRO na inihain ni self-withdrawn second vice presidential candidate Robert Bachmann (wushu) sa isang Pasig City court ay hindi dumating at natuloy ang halalan nang walang sagabal.
“I think performance was the basis [of landslide victory],” pahayag ni Tolentino, 60, sa mga reporter matapos ang eleksiyon na pinangasiwaan ni Atty. Teodoro Kalaw IV kasama sina Philippine Sports Commission commissioner Olivia “Bong” Coo at Letran-Calamba Rector and President Fr. Napoleon Encarnacion, OP, bilang mga miyembro.
Si Al Panlilio ng basketball ay tumakbo nang walang kalaban at nakakuha ng 53 votes at ang kanyang kapwa
“Working Team” bet na si Rep. Richard Gomez ang nanguna sa botohan para sa second vice president, tinalo si skateboarding’s Carl Sambrano, 37-22.
Si Dr. Jose Raul Canlas (surfing) ay wala ring kalaban bilang treasurer na may 54 votes at si Donaldo Caringal (volleyball) ay nakakuha ng 47 points laban kay Rodrigo Roque (12) para sa “Working Team.”
Ang lopsided victory ng team ni Tolentino ay kinumpleto nina bagong Executive Board members Leonora Escollante (canoe-kayak, 45 votes), Alvin Aguilar (wrestling, 44 votes, Ferdinand Agustin (jiu-jitsu, 41 votes), Alexander Sulit (judo, 41 votes) at Leah Gonzales (fencing, 40 votes).
“It’s not for me, but for the country, for the POC, and for our athletes,” wika ni Tolentino, head ng PhilCycling na ang national coaches for road ay sumaksi sa eleksiyon upang ipakita ang kanilang buong suporta.
“For the athletes, athletes, athletes …,” ani Tolentino.
Sa 61 voters, 58 ay national sports associations at dalawa ay mula sa Athletes Commission at isa ay mula kay International Olympic Committee representative Mikaela Cojuangco Jaworski.
Ang rugby ay hindi sumipot sa eleksiyon. CLYDE MARIANO