NAKIKITANG solusyon para mapabilis ang rehabilitasyon ng mga mininang lupa at mga lugar na pinabayaan dahil sa mining operations ay ang bamboo farming ayon sa pahayag ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez sa isang panayam kamakailan.
Sinabi ni Lopez na nagkaroon ng miting sa pagitan ng gobyerno at stakeholders ng mining industry nitong nagdaang linggo kung saan ang pagtatanim ng kawayan ay inirekomenda para sa mabilis na pagbawi ng mga mininang lupa.
“Mining companies have vast tracts of land that need rehabilitation and they have funds, as mandated allocation from their operation expenses, for rehabilitation use,” sabi niya.
“Bamboo, on the other hand, grows fast and also has strong capability of absorbing carbon, effective to prevent soil erosion and more importantly has the ability to make the mined areas restore its condition for agriculture purposes,” dagdag pa niya.
Binanggit ng trade official na may mga lugar na hindi sapat sa pagtatanim ng kawayan, at ilan lamang ang nalilinang na aabot lang ng 10,000 ektarya.
Ang mga lugar na naging minahan na nangangailangan ng rehabilitasyon ay umaabot sa 300,000 ektarya, pansin ni Lopez.
Sinabi pa ni Lopez na ang paglilinang ng kawayan sa mga rehabilitasyon ng mga mininang lupa ay puwedeng pagkunan ng kabuhayan ng mga komunidad sa mining areas.
Binanggit din niya na ang demand para sa mga bamboo culms o buho ay aabot sa mahigit na 20 million, pero ang local supply sa kasalukuyan ay nasa 5 million culms.
“From the bamboo industry cluster perspective, the rehabilitation program will solve the bamboo supply problem needed in the growing demand for bamboo-based products — from poles to panels, finer boards, lumber, handicrafts, food, beverage, modern furniture, clothing, fabric, paper, flooring, and many more,” saad pa ng the DTI chief.
“Also as part of the bamboo development plan, we need to supply the classroom tables and chairs for Department of Education, which is currently underserved due to lack of bamboo material supply,” dagdag pa niya.
Sinabi rin ni Lopez na bukas ang Environment and Natural Resources Secretary na si Roy Cimatu para gumawa ng sustainable mining development plan sa pagtatanim ng kawayan para sa rehabilitasyon.
“Secretary Cimatu and I believe that presenting this mining rehab plan using bamboo can meet the requirement of the President to have a clear and sustainable mining development and rehabilitation plan especially for open pit mining activities,” ani Lopez.
Inatasan na ni President Rodrigo Duterte ang mining firms na magpatupad ng reforestation, at kung hindi ay tatanggalan sila ng permit. Nagbabala rin siya sa mga mining company na iwasan ang open pit mining. (PNA)