IPINAGDIRIWANG ang Bamboo Organ Festival tuwing buwan ng Pebrero sa Las Piñas City. Maraming local musicians at performers ang nagtitipon-tipon sa nasabing pagdiriwang upang tumugtog at kumanta sa saliw ng sikat na bamboo organ.
Ang taunang International Bamboo Organ Festival, isang music festival ng classical music na ginagawa tuwing February 20 hanggang 27, ay sinimulan upang ipagdiwang ang musika ng reborn instrument at ang kakaiba nitong tunog. Mula 1992, si Prof. Armando Salazar ang naging titular organist ng Bamboo Organ.
Kung minsan ay umaabot pa ito ng sampung araw, na puno ng mga cultural events na naka-focus syempre sa bamboo-made organ na pinangunahang gawin ni Fray Diego Cera dela Virgen del Carmen na siya ring kauna-unahang kura paroko ng Las Piñas.
Ang festival ay bilang pagkilala sa Bamboo organ, na naluluklok sa St. Joseph Parish sa Las Pinas. Ito ay selebrasyon ng kakaibang musika ng nasabing bamboo organ, at tribute sa community spirit na matagumpay na napreserba ito. Idineklara itong National Cultural Treasure noong 2003.
Abot 200 taon na ang bamboo organ noong 2021 kaya ngayong 2022 ay 201 years ols na ito. Sunod-sunod konsyento ang isinasagawa sa St. Joseph Parish Church kung panahon ng festival. Ginawa sa pagitan ng between 1816 at 1824 ni Fr. Fray Diego Cera, gawa sa kawayan ang pipes ng nasabing bamboo organ. Sinimulan ang festival noong 1975 nang maibalik ito sa Las Piñas matapos muling isaayos. Sa unang natalang festival, sa Inaugural Concerts of the Bamboo Organ noong 1975, tinugtog ito ni Wolfgang Oehms. Nang buwan ng Disyembre, 1975 din, muling tinugtog ang bamboo organ para sa “Christmas Carols on the Las Piñas Bamboo Organ,” na si Zenas Reyes Lozada ang accompanist.
Ang Bamboo Organ ay may 1,031 pipes, kung saan ang 902 na pipes ay gawa sa native bamboo.
Bukod sa bamboo organ, sikat ang Las Piñas sa mga salt beds, jeepney factory, at Las Piñas-Parañaque Wetlands, — noong araw, hindi na ngayon, matapos maitayo ang coastal road. Dating bahagi ng probinsya ng Rizal, ngayon ay isa na ito sa fastest-growing communities ng Metro Manila, kahit 1997 lamang ito naging siyudad.
Ang kauna-unahang Bamboo Organ concert ay ginawa sa Germany noong February 17, 1975 na ang tumugtog ay si Wolfgang Oehms, organist ng Trier Cathedral sa Germany, bago ito ibinalik sa Pilipinas noong March 16, 1975. Sinimulan ang restoration nito noong 1972 at si Johannes Klais Orgelbau ang namahala rito. Ipinadala ang bamboo organ sa Bonn, Germany noong 1973 at naibalik noong 1975.
Noong 2003, idineklara itong Philippine National Cultural Treasure, kaugnay ng mayamang cultural history, kung saan mananatili ito sa St. Joseph Parish Church sa loob ng church museum na naglalaman din ng lumang kumbento sa Las Piñas. – NV