BAN SA HEALTH WORKERS PA-ABROAD PINABABAWI

Nancy Binay-2

HINIMOK  ni Senadora Nancy Binay ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA)  at Inter Agency Task Force  IATF) na bawiin na ang deployment ban sa healthcare workers.

Giit ni Binay walang karapatan ang gobyerno na pigilan ang mga health worker kung nais nilang magtrabaho sa ibang bansa para buhayin ang kanilang pamilya.

Aniya, kung magmamatigas naman ang POEA sa deployment ban, dapat tiyakin ng gobyerno na may sapat na kompensasyon na maibibigay sa mga ito.

Katwiran ng senadora hindi rin naman gugustuhin ng health workers na malayo sa kanilang mga pamilya kung sapat ang kanilang kikitain dito sa bansa.

Sinabi din ni Binay, walang dapat ipangamba na magkukulang ng health workers sa bansa dahil base sa datos ng DOH, higit 750,000 ang lisensiyadong medical professionals sa Pilipinas, kasama ang mga dentista, medical technologists, pharmacists, midwives at mga doktor.

Sa naturang bilang, 204,437 lang ang nasa health sector na nangangahulugan na higit kalahating milyon sa kanila ang hindi nagtatrabaho ayon sa kanilang natapos. LIZA SORIANO

Comments are closed.