HINILING ng pamahalaan ng China sa Filipinas na i-ban ang lahat ng online gambling makaraang itigil ng huli ang pagtanggap ng aplikasyon para sa offshore gaming licenses hanggang hindi natutugunan ang lahat ng isyu hinggil dito.
Sa isang press conference sa Beijing, sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Geng Shuang na, “Offshore gaming is the most dangerous tumor in modern society.”
“We have also taken note of the Philippine government’s announcement and appreciates it. We hope the Philippines will go further and ban all online gambling,” ani Geng.
“We hope it will further strengthen law enforcement with China and jointly tackle criminal activities including online gambling and cyber fraud. This will help create an enabling environment for the development of bilateral relations and peace and stability in the region,” dagdag pa niya.
Sinuspinde ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ang pagtanggap ng mga bagong aplikasyon para sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) licenses habang nirerepaso ang mga existing contract nito.
Nauna rito ay nagbabala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang operasyon ng POGO malapit sa mga kampo ng militar ay maaaring gamitin sa pag-eespiya, lalo’t karamihan sa mga empleyado nito ay mga Chinese.
Iminungkahi rin ng Pagcor na ilipat ang Chinese online gambling workers sa self-contained communities o hubs, na ikinabahala ng Chinese Embassy.
“It may infringe on the basic legal rights of the Chinese citizens concerned,” pahayag ng embahada, kasabay ng paghiling sa Philippine government na protektahan ang legitimate rights at interests ng Chinese citizens sa bansa.
Pinuna rin nito ang malaking bilang ng mga Tsino na ilegal na ni-recruit at kinuha para sa POGO at Philippine casinos.
“Some Chinese citizens are even lured into and cheated to work illegally with only tourist visas.”
Napag-alaman na may 58 offshore gaming firms ang may lisensiya na mag- operate sa Filipinas at 138,000 foreign nationals ang nagtatrabaho rito.
Comments are closed.